Advertisers

Advertisers

Nicanor Faeldon pinayagang magpresenta ng kapalit na testigo vs graft charges

0 7

Advertisers

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon na magpresenta ng kapalit na testigo sa kanyang kinakaharap na graft charges o kasong katiwalian.

Sa halip na siya ang tetestigo, inalok ni Faeldon ang kanyang dating chief of staff na magsalita sa korte, na ayon sa kanya ay magbibigay ng kaparehong pahayag. Hindi naman binanggit sa resolusyon ng korte ang pangalan ng kapalit na testigo.

Sinabi pa ni Faeldon na hindi siya makakaharap sa korte dahil sa pagpanaw ng isang malapit na kaibigan ng kanyang pamilya, na nakaapekto sa kanyang emosyonal at mental na kalagayan.



Bagama’t tumutol ang prosekusyon, pinaboran ng korte ang mosyon ni Faeldon at sinabing hindi ito makaaantala sa paglilitis.

Iniutos ng korte na isumite ni Faeldon ang judicial affidavit ng kanyang testigo at itinakda ang pagpapatuloy ng presentasyon ng ebidensya sa Mayo 15, 2025.

Mababatid na ang mga kaso laban kay Faeldon may kaugnayan sa umano’y ilegal na pagpapalabas ng P34 million na halaga ng smuggled na bigas sa Cagayan de Oro noong 2017, na isinampa ni dating Senador Panfilo Lacson.