Advertisers
Nasa hot water ngayon ang hepe ng Civil Security Units at isa pang Supervisor ng BPJ sa Kapitolyo ng Bulacan, nang mahuli sa labas ng panglalawigang bilanguan ang Mayor ng Bulacan Provincial Jail, kasama ang isang Persons Deprive of Liberty (PDL) at jailguard.
Isasailalim sa malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad si Ret. Col. Rizalino Andaya, at ang supervisor ng Bulacan Jail, kung bakit at paano pinalabas ng kulungan si Mayor at PDL ng walang anumang sulat o utos mula Korte na hindi rin gumamit ng mark vehicle ng piitan na SOP ng mga inmates na lalabas ng bilangguan sa halip pribado nitong sasakyan.
Una nang inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Bulacan District Office si alyas Abdua Hasim, 46, na mayor ng BPJ na sangkot sa kasong Murder, at alyas Mario 47, chairman ng Sputnik Gang, alyas Sarah 41 asawa ng Mayor at isang jailguard na si alyas Teejay 25 anyos sa Purok 3 Brgy, Dakila Malolos City nito lamang Abril 13 2025 ng hapon.
Sakay ng Toyota Hilux na kulay Pula na may plakang DBP-4088, ng masabat nang mga tauhan ng Cidg kung saan nakuha sa kanila ang isang cal.45 at cal.9MM na baril.
Nabatid na una ang sinabi ng mga ng escort na Jailguard, na dinala lamang umano sa ospital si mayor matapos daw madulas,subalit sa imbestigasyon ng mga awtoridad lumitaw na ihahatid umano nito ang kanyang asawa gamit ang bago nitong sasakyan.
Samantala. posibleng masuspindi at maharap sa kasong paglabag sa article 223 ng Revised Pinal Code na “any public officer who shall consent to the scape of a prisoner in this custody or charge shall be punished by prison correctional sakaling mapatunayan na nagkaroon ito ng kapabayaan.(Thony D. Arcenal)