Advertisers

Advertisers

Hostage taking sa Parañaque: Pulis sugatan!

0 15

Advertisers

TINUTUKAN sa leeg ng kutsilyong pangkatay ng baboy ng isang lalaki ang 2-anyos na batang babae noong Linggo sa Bulungan, Bgy. La Huerta, Parañaque City.

Kinilala ang sugatang pulis na si Pat. Samuel Melad.

Halos isang oras ang itinagal na nanganib ang buhay ng batang babae sa kamay ng hostage taker na pinagtulungan ng mga pulis at taumbayan sa lugar.



Sugatan ang kamay ng pulis nang tinangka nitong agawin sa hostage taker ang kutsilyong pangkatay ng baboy.

Halos maputol ang daliri ni Pat. Samuel Melad dahil sa pagkakahawak sa kutsilyo ng hostage taker, samantala maayos naman ang kalagayan ng bata.

Bago ang pakikipambuno sa hostage taker, nakipagnegosasyon ang mga tauhan ng Parañaque Law Enforcement Team sa salarin para pakawalan ang bata hanggang sa makakuha ng tiyempo si Pat. Melad .

Sa inisyal na imbestigasyon, pinag-tripan ng dayong salarin ang ama ng bata subali’t nang makita ang mga kamag-anak na sasaklolo, biglang hinablot ng salarin ang bata at itinakbo hanggang maabutan sa Bulungan Market sa Brgy. La Huerta na doon na pinagbantaang papatayin ang bata.

Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Parañaque City Police ang salarin na nahaharap sa mga kasong serious illegal detention, child abuse, alarm and scandal at illegal possession of bladed weapon.”



Humingi naman ng paumanhin sa pamilya ng biktima ang salarin na kapwa hindi pinangalanan.

“May sinaksak siyang lalaki na nasugatan. Pumunta rito sa amin at nagreklamo iyong biktima. Pag-atras ng salarin may nakasalubong siyang akala niya pulis. Kinuha niya ‘yung bata para protektahan ang sarili niya,” sabi sa ulat ni PLt Mardison Perie ng Parañaque City Police.