Advertisers

Advertisers

ROZZ DANIELS TIME OUT MUNA SA WORK, INE-ENJOY ANG PAMAMASYAL NGAYONG HOLY WEEK

0 24

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

INE-enjoy ng Pop Rock Diva ang pananatili sa bansa kasama ng kanyang mister na si David Daniels sa pamamasyal sa iba’t ibang lugar para maipakita rito ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

Kamakalawa ay nagpunta sina Rozz at David sa Tagaytay kasama ang kanilang pamilya at makikitang naibigan talaga nila ito.



Ilang lugar ang dinayo nila at nasabi pa nga ni Rozz na nasa listahan na rin ng susunod na bibisitahin nila ang Baguio at Dumaguete.
Sinasamantala ng Pop Rock Diva ang Holy Week para makapamasyal at mailibot na rin ang asawa sa magagandang scenic spots sa Pinas lalo na’t ilang taon na rin namang hindi nakadalaw dito si David.

Samantala, kamakailan ay nagselebra ng kanyang ika-63 taong kaarawan ang mahal na mister ni Rozz. Isang simpleng salu-salo ang isinagawa sa kanilang pansamantalang tirahan sa Nuvali, Laguna.

In fairness, nakapunta tayo sa birthday ni David at masasabi nating masaya niyang nairaos ang kaarawan kasama si Rozz at ilang miyembro ng pamilya nito.

Pagkatapos ng Mahal na Araw ay sisimulan na ni Rozz ang recording niya ng OPM hit song Ibang-Iba Ka Na na mula sa EBQ Music Productions ng mag-asawang Nick at Evelyn Quintua. Dagdag pa rito ang ilang plano ni Rozz para sa kanyang singing career, magiging abala na talaga ito ngayong taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">