Maricel nilinaw ang sakit kaya umiikang maglakad; Janno pinatulan ang bashers sa pagsimpatya kay Dennis
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI napigilan ni Janno Gibbs ang sarili na pumatol sa bashers nang makatanggap ng pamba-bash nang dahil sa naging reaksyon niya sa nangyari sa kanyang kaibigang si Dennis Padilla sa kasal ng anak nitong si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.
Sa Instagram post ng kapwa komedyante na si Gene Padilla tungkol sa pambabalewala raw ni Claudia at ng ina nitong si Marjorie Barretto sa kanyang kapatid, nag-post si Janno ng tatlong crying emojis.
Kasunod nito ay binatikos na nga ng mga netizens si Janno.
May nagsabi na,”Enabler yarn!”
‘Yung isa ang sabi,”Bwesit manahimik ka!
Bilang sagot ni Janno sa mga bumatikos sa kanya, minura niya ang mga ito.
“Mga put*ngin*nyo. Wala naman ako sinabing sang-ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na?” hirit ni Janno.
Dagdag pa niyang paliwanag, “Hindi ko siya pinagtatanggol, mga ulol. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga tanga!” Sinundan pa niya ito ng “dirty finger” emoji.
***
ILANG araw din pinagpyestahan ng ibang netizens ang kalagayan ni Maricel Soriano. Sa bonggang post birthday celebration kasi nito last April 8 ay marami ang nagulat kung bakit nahirapan itong maglakad mag-isa at kinailangang akayin ng dalawang tao. Halos hindi siya makatayo at laging nakaupo.
Iba’t ibang espekulasyon ang lumabas, at ang kaniyang mga fans ay nag-alala sa kung anong sakit niya. Hanggang sa mismong siya na ang naglinaw ng kaniyang pinagdaraanang sakit sa pamamagitan ng kaniyang Youtube channel.
Siya pala ay may spine arthritis. Masakit daw ang buong likod niya hanggang leeg. Ine-injectionan naman daw siya ng streoids sa spine, pero matagal mawala kaya iika ika siya sa kaniyang birthday celebration. Masakit din daw ang kaniyang mga paa na parang may tumutusok tusok.
On top of it, may pinched nerve rin daw siya at hereditary ito dahil ang kapatid na si Bec ay may parehong nararamdaman din daw.
Gagaling naman daw ang kaniyang sakit. Payo nga raw sa kanya na magpaopera para matapos na ang sakit pero tinitignan pa raw ang ibang paraan para hindi na umabot aa surgery. Ayaw raw kasi niya dahil minsan na siyang na-caesarian. Operation is not a joke biro niya.
Nagte-theraphy naman na daw ang Diamond Star. Naglalakad-lakad sa swimming pool na pinayo sa kanya bukod pa sa pag-i-exercise araw-araw.