Advertisers

Advertisers

Reyna at Konsorte ng Santacruzan sa Binangonan, Rizal

0 34

Advertisers

TAONG 2019 nang magsimula ang patimpalak ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan, isang makulay at bagong ideya na nagmula sa tagapamahala ng Brgy. Libid Grand Santacruzan mula pa noong 1975 sa pamumuno ni Mr. Gomer Celestial.

Bakit nga ba Reyna at Konsorte ng Santacruzan ang naging titulo? Maaari namang Mr. and Miss Libid o Ginoo at Binibining Libid? Ngunit natatangi ang sagala o Santacruzan ng Brgy. Libid sa buong bayan ng Binangonan. Ika nga nila ” Barangay Libid is the home of the Grand Santacruzan of Binangonan ” . Kaya minabuting gamitin ang titulong Reyna at Konsorte ng Santacruzan upang ito ay mamukod- tangi sa mga patimpalak ng mga karating barangay. Walang question and answer portion, bagkus ipapamalas lamang nila ang angking kagandahan at kaguwapuhan kasabay ng matatamis na ngiti sa kanilang paglilibot sa araw ng Santacruzan. Irarampa nila ang mga naggagandahang Filipiniana gowns at barong na gawa ng mga kilalang local designers na pawang taga- Binangonan . At higit sa lahat, ipagmamalaki nila ang kanilang pangalan at pinagmulan.

Ngayong 2025, ang ika – 50th anniversary ng Grand Santacruzan sa Libid bilang pagdiriwang at pagbibigay parangal sa Mahal na Krus.



Pinangunahan ni Punong Barangay Gil “AGA” Anore, kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Libid, ang unang meeting upang matiyak ang isang makulay at matagumpay na selebrasyon.

Ang Meet the Press ay ginanap, Linggo Abril 13 sa Cafe de Lawa restaurant, Mahabang Parang, Binangonan Rizal na pagmamay-ari ni Mr. Ivan Sta. Ana na isa rin sa major sponsors ng naturang pagdiriwang. Ipineresenta sa press ang 16 pares ng mga Reyna at Konsorte ng Santacruzan .Punong abala rin ang founder ng Pista ng Cruz Santacruzan na si Gomer Celestial at Direk Bobbit Patag. Ang Switch Fiber ay isa rin sa sponsor ng Santacruzan.

All out din ang suporta at present sa Meet The Press ng Santacruzan delegates ang tumatakbong Mayora ng Binangonan na si Ms. RHEA YNARES.

Layunin din ng selebrasyong ito ang maipakilala ang mayaman at makulay na kultura tradisyon at turismo ng Barangay Libid at Bayan ng Binangonan, Rizal. (BKC)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">