Advertisers

Advertisers

Pari binulyawan mga vendor sa simbahan

0 19

Advertisers

VIRAL ang isang pari nang sigawan at palayasin nito ang vendor na nagtitinda sa loob ng compound ng simbahan sa Cainta, Rizal sa paggunita ng Linggo ng Palaspas o Palm Sunday nitong Linggo.

Sa kumalat na video, makikita na pinapaalis ng pari ang babaeng vendor na naglatag ng tinda niyang palaspas sa simbahan.

Maririnig pa na pinagsabihan niya ito bawal magbenta sa lugar pero nagmatigas ang babae hanggang sumigaw ang pari mula umano sa St Francis of Assisi Parish Church.

“Amin ito, may karapatan kami. Doon kayo sa labas,” giit ng pari.

“Wala akong pakialam kung matagal ka na, labas!” dagdag nito.

Idinagdag pa ng pari na umaga pa lang sinabi na niyang bawal magtinda sa compound ng simbahan.
Samantala, hati ang opinyon ng mga netizen sa inasal ng pari.

“Mabait ‘yan si Father, makulit lang talaga ‘yung nagtitinda. Sinabi na kanina pang umaga na bawal ayaw makinig, ano connect ng matagal kung private property sila at hindi pinapayagan ang magtinda, mahirap ba yun?”

“Hirap kasi sa mga tao ngayon ayaw sumunod sa rules. Kapag napupuno sa inyo pa-victim kayo. Tao lang ‘yang pari, pinagsabihan na kayo. Sinabi na niya simula umaga pinagbabawalan kayo sa loob ng premises ng simbahan magtinda.”
“Kung maka-Diyos marunong ka umunawa sa mahirap.”

“Puwede ka naman magsabi nang mahinahon at pakiusapan sila nang maganda.”