Advertisers
Natupok ng apoy ang isang pabrika na umabot sa 3rd alarm sa Kahabaan ng Governors Drive, Brgy Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa nakalap mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), 1:58 ng madaling araw noong Sabado nang nagsimulang masunog ang Techno Park na naka-base sa nasabing lugar.
Mabilis namang rumesponde ang mga fire unit na kalapit lungsod at bayan dito.
Batay Kay FCInsp. Francia D. Embalsado, itinaas ang 1st alarm status 2:11 ng madaling araw at itinaas sa ikalawang alarma matapos ang ilang minuto.
Umabot pa ito sa ikatlong alarma 3:14 ng umaga.
Kasalukuyang pa ang ginagawang imbestigasyon ni PMaj. Henry P. Villagonzalo Jr., sa posibleng pinagmulan at kung magkanong halaga ang naging pinsala sa naturang insidente.
Umaabot sa 7,500 square meters na ari-arian ang naapektuhan at wala namang iniulat na nasakta.