Advertisers

Advertisers

Wala nang naniniwala sa pa-ek-ek ni Imee

0 6,376

Advertisers

ANG SENADO ay simbolo ng dangal at talino pero bakit tila ginagawa itong isang circus ni Senator Imee Marcos?

Oo! Siguro sa desperasyon niyang umangat sa pre-election surveys kungsaan siya ay pang-17 (base sa latest Pulse Asia senatorial survey), lalong naging overacting ang pagiging “maka-Duterte” niya.

Pina-contempt pa ni Imee si Special Envoy on Transnational Crime Markus Lacanila, subalit mariin itong tinutulan ni Senate President Chiz Escudero. Tama lang!



Sinabihan pa ni SP Chiz ang Senadora na huwag gamitin ang Senado para sa sariling kandidatura kapalit ng pagkasira ng institusyon. Araguy!!!

Kunwari’y ipinaglalaban si dating Pangulong Rodrigo Duterte pero kahit si Honeylet Avanceña, partner mismo ni Duterte, ay hindi napaikot. Diretsong tinawag ni Honeylet na isang palabas lang ang Senate investigation. Mismo! Hahaha…

‘‘Paek-ek lang ‘yun. Hindi ako naniniwala sa kanya (Imee). Tanong siya, ano ba talaga nangyari? Hindi ba niya nakita ano nangyari?”

Matagal nang buking si Imee. Maging si Atty. Salvador Panelo, dating chief presidential legal counsel at kilalang malapit kay Digong, ay nagsabi na dati pa na nagbabalat-kayo lang si Imee sa pagtatanggol sa dating pangulo. Ouch!!!

“Lokohin mo lelang mo!” birada ni Panelo kay Imee.



Hindi maloloko ni Imee ang mga botante, lalo’t ang Duterte camp na mismo ang nagsasabi na gumigimik lang siya. Paano mo nga ba poprotektahan si Duterte, kung ang intensyon mo’y gamitin ang pangalan ng matanda para sa sariling political comeback? Hahaha…

At kung kailan tahimik si Imee tuwing nadidiin si Pangulong Bongbong Marcos, bigla naman maingay ang presidential sister kapag sinuman sa mga Duterte ang involved.

Nasaan si Imee sa confidential funds issue laban kay Vice President Sara Duterte? Ito ba’y selective loyalty o sadyang survival mode nalang talaga?

Hindi na ito uubra ngayon. Hindi na tanga ang taong-bayan. Hindi mo mapapabango ang pangalan mo sa mga gimik, at lalong hindi ka mabubuhay sa pulitika sa pagbabalatkayo. Hindi porke’t magaling ka sa pa-cute at soundbite ay may bibili pa ng mga pinapakalat mong kwento.

Tapos na ang panahon ng ilusyon. Kung gusto mong bumalik sa Senado, magpakita ka ng tunay na serbisyo at huwag maging isang payaso. Mismo!

***

Paliit nang paliit na ang mundo ng napakahambog na dating presidential spokesperson ni Rody Duterte na si Atty. Harry Roque.

Oo! Pati ang kanyang pag-aplay ng asylum sa Netherlands ay hinaharang ng mga taong kanyang “winalanghiya” noong nasa kapangyarihan sila.

Hindi rin malayong ma-disbar si Roque kapag nahatulan siya ng ‘guilty’ sa mga kinaharap na kasong ‘human trafficking’ sa iligal na operasyon ng POGO sa Pampanga at Tarlac.

Si Roque ay kasalukuyang nagtatago sa ibang bansa dahil sa arrest warrant na inisyu ng Kongreso matapos siyang i-contempt sa hindi pagsipot sa mga pagdinig hinggil sa POGO.

Ito ang sinasabi natin na sa politika ay walang forever. May termino ang mga politiko. Kapag ikaw ang politiko ay naging abusado sa kangpayarihang ibinigay ng taong bayan, pagkatapos ng kanyang termino ay sisingilin ito ng kanilang mga ginago! Ito na nga ang nangyayari ngayon kay Roque pati sa kanyang “Tatay Digong”.

Si Digong ay nakakulong ngayon sa Netherlands dahil sa kinakaharap ng kasong ‘crimes against humanity’.

Dapat ‘pag nasa puwesto, magtrabaho ng maayos, ‘wag mag-abuso. Period!