Advertisers
Lumakas ang panawagan sa lalawigan ng Pangasinan para ipasara ang mga nagkalat ng mga peryahang may sugal sa kanilang lugar.
Kasunod ito ng paulit-ulit na reklamo ng ilang pangasinense sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa mga naglipana sa mga bara-barangay na mga pergalan or perya ang front sugalan ang loob ng mga sinasabing karnabal o peryahan.
Ang panawagang ito na direkta nang ipinararating ng mga concern citizens ng Pangasinan sa Kapitolyo at kay Governor Ramon “Guwapo” Guico IIl, sanhi na rin ng mga kaguluhang malimit na nangyayari sa mga peryahang ito ng probinsiya.
Bukod kasi sa napapadalas ang kaguluhan sa mga sugalan gumagamit pa ito ng mga toba para piliting tumaya ang kanilang mga mananaya, regular din kasi na sahog sa mga karnabal at peryahang ito na nagkalat sa lahat halos ng siyudad at bayan ng Pangasinan ang iligal na sugal gaya ng drop ball at color games na pawang may daya lahat at humahakot ng limpak-limpak na salapi sa mga residenteng nagugumon sa mga iligal na sugal na ito.
Kinondena rin ng mga Pangasinenses at ng simbahang Katoliko ang pagiging inutil ng Pangasinan PNP at ng Regional Director na pinamumunuan ni Regional Director, General Lou Evangelista.
Si Gen.Evangelista ang sinsisi ng mga taga-Pangasinan sa proliferation ng iligal na sugal sa nasabing probinsiya.
Kinilala rin ng sources ang umano’y nagpapakilalang bagman ni Gov. Guico at ni CIDG Chief Nicolas Torre na si Tinyente Pidlawan na magreretiro na at nakabase sa San Carlos City na sinasabi rin umano ng ating source na naging bata-bata din ni Mayor Ressuelo.
Gumagamit din umano ito ng sibilyan na may aliases na Abalos, Vera na labas-masok umano sa PNP Pangasinan Headquarters.
Ang grupo umanong ito ni Tinyente Pidlawan ang “protector” ng mga iligal na sugalan sa buong Pangasinan at regular na kumokolekta ng payola sa mga kilalang perya at gambling den operators gaya nila, FLORES, IBASAN, MAGAT, OLDAK, TUYUY, KAP BOYET, ALVIN, JUDE AT MEL.
Bukod sa peryahang may sugal, open din ang online beting ng sabong, jueteng at iba pang sugal lupa.
Ayon sa pagmamayabang ni Tinyente Pidlawan, may go signal daw mula sa Camp Crame at sa DILG ang paglarga ng illegal gambling sa buong Pangasinan ngayong mag e-eleksyon.
Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ukol dito ang PD ng pangasinan, ngunit ayon sa ilang sources mula sa Pangasinan PNP at sa ilang chief of police ng nasabing probinsya, hindi umano nila magalaw ang mga iligal na sugalan ito dahil sa proteksyon umano ng isang mataas na opisyal ng Kapitolyo ng Pangasinan.
Hindi direktang tinukoy kung si Governor Guwapo Guico nga ba ang pinapasaringan ng Pangasinan PNP sa paghuhugas umano nito ng mga kamay patungkol sa isyu ng iligal na sugalan sa nasabing probinsiya.
Wala ring reaksyon ang tanggapan ni CIDG chief, General Nicolas Torre at DILG Sec. Jonvic Remulla.
Napansin din po natin ang paglala ng presensiya ng iligal na sugal sa halos lahat ng rehiyon ng bansa na patunay na tila may GREEN LIGHT o go signal na talaga ang operasyon ng illegal gambling ngayon.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com