Advertisers

Advertisers

AVAIL NA NG SAFE CONDUCT PASS

0 6

Advertisers

NILAGDAAN ni Pangulong Bong Bong Marcos kamakailan ang Memorandum Order (MO) No. 36, na nagbibigay ng authority sa National Amnesty Commission (NAC) na mag-issue ng mga Safe Conduct Passes (SCPs) para sa mga nag-aapply ng amnesty.

Sa speech ni PBBM sa 6th Infantry (Kampilan) Division, ng Philippine Army, sa Camp BGen. Gonzalo H. Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte, noong April 11, binigyan diin ni President Marcos ang kahalagahan ng pagkakaisa upang maghilom ang mga sugat ng bansa, ika nga.

“Marami na po tayong pinagdaanan bilang isang bansa, ngunit ang isa sa pinakamalungkot na yugto sa ating kasaysayan ay ang labanan ng Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Kaya ngayong araw na ito, muli nating pinatutunayan na mas mangingibabaw ang pagkaka-isang-lahi,”ang mga katagang binitiwan ni PBBM.



Ang sabi ng Pangulo, ang MC na agarang epektibo ay tanda na ang pamahalaan ay naghahangad ng rekonsolasyon sa mga nagrerebelde.

Ang SCPs aniya ay proteksiyon sa mga ‘former combatants’ na nagnanais magbalik-loob sa pamahalaan.

“Ang mga Safe Conduct Passes na ito ay hindi lamang magbibigay ng proteksyon sa mga aplikante ng amnestiya laban sa pagka-aresto, pagkakulong, at pag-uusig (These SCPs will not only provide protection to amnesty applicants against arrest, imprisonment, and prosecution),” sabi pa ni PBBM.

“Higit sa lahat, ito ay isang paanyaya sa lahat ng rebelde na ihinto ang armadong pakikibaka,” dagdag pa niya.

Yan ang pinaka-magandang magagawa ng mga rebelde, ang itigil na ang pakikibaka sa mali nilang paniniwala.



Ang makiisa sa pamahalaan na maiahon ang bansa sa kahirapan ay isa nang makabayang gawa, hindi yun humawak ng armas at pumatay ng kapwa Filipino.

“Ito ay isang bagong pahina upang makapagsimulang muli, isantabi ang pansariling interes, at makiisa sa pagtataguyod sa kaunlaran ng ating bayan,” sabi nga ni PBBM.

So, ano pa ang inyong hinihintay? Tinatawagan ko ang mga nagrerebelde, mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, mag-avail na kayo ng amnesty at maisuyhan kayo ng SCPs nang sa ganun eh makatikim din kayo ng kaginhawan sa buhay at katahimikan sa inyong mga isipan.