Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PAGKATAPOS magsalita at maglabas ng sama ng loob si Dennis Padilla sa interview sa kanya ni Ogie Diaz tungkol sa diumano’y pambabalewala sa kanya sa wedding ng anak na si Claudia kay Basti Lorenzo, nagpa-interview din si Marjorie Barretto kay Ogie, para madinig naman ang kanyang panig.
Isa sa mga naikuwento ng dating aktres ay ang pagiging hysically abusive umano ni Dennis noong nagsasama pa sila ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Sabi ni Marjorie,“For 18 years, ako ang sinisiraan niya sa mga anak ko. Dennis, huwag mo itong ide-deny.
“Kapag sinusundo niya ang mga anak ko, he would tell them, ‘Paglaki ninyo, I will tell you what your mom did to me.’ But my children are protective of me. Bago kami nag-hiwalay, mga 14 years na akong nagtitiis.
“Nakakatawa siya sa tao pero he’s the opposite. Konting bagay lang manununtok na yan or mananampal na yan. My kids saw that.
“The biggest physical abuse to me was when Julia was a few days old. I never spoke about this. Naglalakad ako papasok ng kwarto. From the back, he hit me so hard in my ear. Lumipad talaga ako.
“Wala na akong eardrum. Na-surgery ‘yun kasi nga sa sobrang impact. They had to recreate an eardrum. Dennis has an explosive temper,” aniya pa.
Bukas ang aming kolum para sa paliwanag/reaksyon ni Dennis tungkol sa naging rebelasyon na ito ni Marjorie na diumano’y sinasaktan niya ito noong nagsasama pa sila.
***
ISA ang tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa nagluluksa sa pagkamatay ng tinaguriang Asian’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang mga larawan nila together kalakip ang mensahe para sa yumaong beteranang singer.
“Dearest Tita Pilita, It’s hard to imagine a world without you. I can still vividly hear your voice, see your beautiful face, and feel your warmth, charm, and unmatched humor. You were truly one of a kind,” panimula ni Zsa Zsa.
Aniya, hindi niya malilimutan ang mga panahong nagkatrabaho sila.
“What an honor it was to finally get to know you beyond the icon I had long admired. You were always so candid, so funny, so full of life. I will miss your stories deeply,” saad pa ni Zsa Zsa.
Nagpasalamat naman ang ina ni Karylle sa lahat ng mga advice at memories na kanilang pinagsamahan.
“I will forever treasure the advice you’ve shared with me. And with great sadness, I say goodbye… to my idol, my inspiration.
“Thank you for your greatness. Thank you for your songs, which will forever live in my heart. Maraming salamat. I love you, Tita.”