Advertisers

Advertisers

TRABAHO Partylist ibinida ng Team Aksyon at Malasakit sa Caloocan at Yorme’s Choice sa Maynila

0 13

Advertisers

Isang buwan bago ang nakatakdang halalan, ibinida ng Team Aksyon at Malasakit at Yorme’s Choice ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa kani-kanilang mga balwarte sa Kalookan at Maynila.

Itinaas ng buong Team Aksyon at Malasakit sa Distrito Uno Grand Rally sa Lungsod ng Kalookan ang mga kamay ni TRABAHO first nominee Atty. Johanne Bautista.



Kita sa live video na ang TRABAHO ang nag-iisang partylist na kasama sa entablado nina Cong. Oca Malapitan, Mayor Along Malapitan, Vice Mayor  Karina Teh-Limsico, kasama ang mga tumatakbong konsehal na sina Marjorie Barretto, Leah Bacolod, Topet Adalem, Alex Caralde, Vince Hernandez at Enteng Malapitan.

Sa Maynila naman, dinala ng Team Yorme’s Choice na pinangungunahan ng tambalang Isko Moreno at Chi Atienza si TRABAHO second nominee Ninai Chavez sa kanilang motorcade sa Distrito Uno sa Tondo, Maynila.

Samantala, si third nominee kagawad Nelson de Vega ay nag-ikot sa probinsya ng Laguna upang ikalat ang kanilang mga isinusulong na reporma para sa mga manggagawa.

Ayon sa COMELEC, may 2,045,068 rehistradong botante sa Laguna, 1,142,172 sa Maynila, at 765, 249 naman sa Caloocan kung kaya’t ang mga ito ay binansagang vote-rich.

Para naman sa paigtingin ang kaalaman ng mga netizens kung paano makakatulong ang TRABAHO Partylist na mabago ang kanilang mga kapalaran, naglabas naman si celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco sa kanyang Facebook at Instagram Page na Melason ng makulit at informative reel na pinamagatang “Alagaan mo ang mga Maswerteng Numero na ito”.



Patuloy rin nagpapapasalamat ang TRABAHO Partylist sa mga tagasuporta nitong tumutulong magbahay-bahay para ikampanya ang kanilang mga legislative agenda- kalidad na trabaho; patas na oportunidad; sapat na sahod; karagdagang benepisyo; at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.