Advertisers

Advertisers

Camille Villar puro troll ang supporter

0 14

Advertisers

PURO trolls ang mga supporter at galing lang sa artificial intelligence (AI) ang mga papuri kay Las Piñas Rep. at administration senatorial bet Camille Villar sa social media.

Sa ulat ng Politiko.com, napansin ng netizens ang napakaraming trolls na pare-pareho ang mensahe sa isang post sa Tiktok na bumabatikos sa “Great Wall of Camille Villar” kung saan napuno ng poster ang pader ng isang pampublikong lugar.

Napuna nila ang magkakatulad na komento gaya ng “With Camille Villar’s leadership, we can all look forward to a brighter future!” at “Her commitment to the country will surely lead to positive change for everyone.”



Ayon pa sa subreddit na r/Philippines, posibleng gumagamit din si Villar ng bot army para tabunan ang mga negatibong komento sa mga post tungkol sa kanya.

Komento ng isang Redditor, halatang-halata na puro troll at bot ang mga supporter ni Villar dahil napaka-generic ng mga komento at wala man lang nabanggit tungkol sa kanyang mga nagawa.

“It’s always the same script with these bots,” dagdag ng isa pang Redditor.

Kumbinsido ang iba na gumagamit din si Villar ng artificial intelligence (AI) para gumawa ng mga papuring komento.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">