Advertisers

Advertisers

Jeep tumaob sa QC: 2 patay, 7 sugatan

0 49

Advertisers

Patay ang dalawang katao at pito ang sugatan nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa Commonwealth Avenue-Eastbound sa Quezon City Linggo ng umaga, Abril 13.



Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng naturang jeep na bu-mabiyahe patungong Novaliches nang bigla itong gumiwang-giwang at tumaob.

Sa report, nadamay din sa naturang insidente ang isang kotse at modernized jeepney.

Kaagad na dinala a pinakamalapit na ospital ang mga biktima para malapatan ng kaukulang lunas. At inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawi at mga sugatang biktima.

Ayon naman sa kumpirma-syon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, pawang pasahero ng traditional jeepney ang naiulat na nasawi nang bumaliktad sa kahabaan ng eastbound lane.

Patuloy pang iniimbestiga-han ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng aksidente.

Habang isinusulat ang artikulong ito, pawang ang driver pa lamang ng traditional jeepney ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Kasunod nito, muli namang nagpapalala ang MMDA sa mga driver na sumunod sa batas-trapiko at huwag balewalain ang maintenance ng kanilang sasakyan. (Almar Danguilan)