Advertisers

Advertisers

Vote buying ng isang partylist sa Quezon province, kumalat sa social media

0 77

Advertisers

Kumalat sa social media ang sinasabing vote buying ng isang partylist sa lalawigan ng Quezon.

Base sa Facebook post ng Quezon Province News and Updates, makikita sa video na nakapila ang maraming tao sa isang pagtitipon sa Brgy Gulang-Gulang Lucena city noong Abril 11,2025.

Makikita sa Facebook post na isa- isang imaabutan ng tig P500 ng isang lalaki ang mga nakapilang tao.



Maliban sa P500 ay namimigay din ng kalendaryo ng Alona partylist at limang kilong bigas sa mga taong nakapila.

Inabot rin ng hanggang madaling araw ang bigayan dahil sa dami ng taong nakapila.

Ayon sa mga netizen maituturing na vote buying ang ginawang pamamahagi dahil mayroong pangalan ang kalendaryo ng Alona partylist .

Kasabay nito nanawagan din ang ilang netizen sa Commission on Elections (Comelec) na aksyunan ang naturang pagkalat ng video dahil maituturing itong vote buying.

Narito po ang link ng nasabing video
https://www.facebook.com/share/r/1LUoF1KAZS/?mibextid=wwXIfr