Advertisers
Tila napalakas ang hagis na FAST-BREAK ng bola ni dating BASKETBALL PLAYER at ngayo’y CONGRESSMAN ng QUEZON CITY na si 3rd DISTRICT REPRESENTATIVE FRANZ PUMAREN dahil nabuslo o lumanding sa COMMISSION ON AUDIT (COA) at naglagos pa sa OFFICE OF THE OMBUDSMAN ang mga dokumentong nakadikit sa bola hinggil sa naunsyaming pagpapatayo ng multi-purpose building.
Isang nangangalang JUANITO NAVARRO JR. na umano’y comcerned citizen sa nasasakupang distrito ni CONG. PUMAREN ang nagsampa ng reklamo sa COA at sa OMBUDSMAN.., na bahagi sa nilalaman ng reklamo ay may mga inilagay na mga poste para sa pagtatayo ng isang MULTI-PURPOSE BUILDING sa BARANGAY PANSOL.., gayunman ay hindi ito natapos at kasalukuyang binabaklas ang mga nakatayong poste ng mga tauhan ng DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH).
Inaakusahan ni NAVARRO si PUMAREN at ang mga CONTRACTOR mula sa AYLAN CONSTRUCTION & TRADING at CG GENERAL CONSTRUCTION & DEVELOPMENT CORPORATION ng mga paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Government Procurement Reform Act; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Revised Penal Code (Articles 220, 217, at 171); National Building Code of the Philippines; at Civil Code (Article 21723).
Sa naturang paratang ay naglabas ng pahayag si PUMAREN noong April 10, 2025 sa isang Facebook post na aniya.., ang lahat ng pondong nakalaan para sa proyekto ay naibalik sa BUREAU OF THE TREASURY na rito ay nagpakita siya ng mga patunay upang suportahan ang kanyang pahayag.
Sa mga naunang pananalita ay naihayag ni PUMAREN na ang proyektong ito ay nagsimula sa ilalim ng ADIMINSTRATION ni CONG. ALLAN REYES.., subalit ayon sa mga dokumento ay na-aprubahan ang kontrata noong Nobyembre 10, 2022 na ito ay sa ADMINISTRATION na ni CONG. PUMAREN.
Kumento ng ilan sa kanilang ka-distrito ay malinaw anila na pag-aaksaya ng pera ng bayan ang nangyari sa mga hindi natapos na proyekto ni PUMAREN na kulang umano sa tamang pagpaplano, komunikasyon, at maayos na pamamahala ng pondo ng distrito.., dahil karamihan sa mga proyektong ito ay hindi tapos, inabandona, o walang pangangailangan.
Bukod sa reklamong isinampa ay marami pang proyekto si CONG. PUMAREN na hindi tapos at walang follow up tulad ng.., Multi-purpose building with site development sa Barangay Ugong Norte na nagkakahalagang P39M; Multi-purpose building sa Belarmino High School na nagkakahalagang P24M. idineklara itong tapos na, ngunit ito ay inabandona na mayroon lamang isang konkretong poste na nakatayo; Multi-purpose building sa Brgy. White Plains na naideklarang tapos, ngunit kasalukuyan pa ring tinatayo na nagkakahalagang P47milyon.
Mga ka-ARYA.., mahalagang maging mapagmasid at mapanuri ang taumbayan patungkol sa bawat sentimo sa kaban ng bayan na dapat ay nagagamit sa kapakanan ng mamamayan at hindi sa pansariling interes ng ating mga GOVERNMENT OFFICIAL.., na kung may mga pag-aabuso at pagpapabaya ay dapat lamang mapanagot ang sinumang GOVERNMENT OFFICIAL!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.