Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
TUWING sumasapit ang Mahal Na Araw, ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kanyang paraan kung paano ito isinasagawa/ ginugunita. ‘Yung iba ay nagbi-visita Iglesia, may nagsasakripisyo sa hindi pagkain ng karne, may magpapako sa krus, may nagpipinitensiya at iba pa.
Nag-chat ako sa award-winning actress na si Sharmaine Arnaiz at sa mahusay na komedyana at TV host na si Kitkat, kung paano nila isinasagawa ng Holy Week.
Narito ang kanilang kasagutan.
Ayon kay Sharmaine,”Holy week usually, nag attend kami ng pabasa sa fam ng inlaws ko sa Pasay. We do stations of the cross and Easter mass sa Batangas lalo kung nasa Anilao kami ng weekend . But maybe this Easter Sunday will be different because 1st death anniversary ni Tita Bing ( mother of Patrick Garcia, na pinsang buo ni Sharmaine). I’ll definitely want to be with my cousins that day.”
Sabi naman ni Kitkat,”Tuwing Mahal na Araw, simple pero makahulugan ang ginagawa naming mag-anak. Pinipili naming maging tahimik, mag-reflect, at magdasal bilang pasasalamat sa sakripisyo ni Hesus. Hindi kami nagkakain ng karne tuwing Biyernes Santo, at nanonood kami ng mga palabas tungkol sa buhay at paghihirap ni Kristo, para mas lalong lumalim ang aming pananampalataya.
Madalas din kaming magsindi ng kandila at magdasal bilang pamilya, lalo na tuwing gabi. Sa ganitong paraan, naipapaliwanag ko rin kay baby Uno, kahit paunti-unti pa lang ang naiintindihan niya, ang kahalagahan ng pagmamahal at sakripisyo.
Ang Mahal na Araw para sa amin ay panahon ng pagninilay, paghilom, at pagpapasalamat.