Advertisers
HINDI nakaligtas sa bingit ng kamatayan ang isang estudyante habang malubhang nasugatan naman ang isang kaeskwela nito makaraang pagsasaksakin ng dalawang binatilyo na nag-aabang sa kanilang pag-uwi mula sa isang paaralan sa lungsod ng Las Pinas nitong Biyernes ng gabi, April 11,2025.
Sa ulat ng pulisya, nakilala ang dalawang biktima na sina Rye Enzo Francisco y Pimpollo,15, Grade 8 student ng Capt. Albert Aguilar National High School (CAANHS) at resident ng 767 Maunlad St. Brgy. CAA, Las Pinas City, at Joshue Miguel Chavez,15, Grade 8 student ng CAANHS at nakatira sa 2263 Maunlad St. Brgy. CAA, Las Pinas City.
Ang biktimang si Chavez ay idineklarang dead on arrival sa Las Pinas General Hospital dahil sa tinamong malalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan habang si Pimpollo naman ay nagtamo ng saksak sa kanyang kaliwang gilid ng leeg. Siya ay malubhang nasugatan habang patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Ang dalawang hindi pa nakikilalang binatilyo na kapwa Grade 9 students ng nabanggit na paaralan ay parehong nakatakas at pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.
Base sa salaysay ni Pimpillo, pauwi na sana sila mula sa paaralan nang bigla silang pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang mga suspek saka agad na tumakas dala-dala ang ginamit na patalim. Kaagad at patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng CAA Sub- Station sa pangunguna ni PCapt. Anos at Pitong (7) iba pa para madakip ang dalawang suspek. (JOJO SADIWA)