Advertisers

Advertisers

‘MASTERMIND’ SA PAGPATAY SA SARILING KAPATID, NAKABALIK NA SA BANSA

0 55

Advertisers

NATULDUKAN na rin sa wakas ang mahigit anim na taon pagtatago ng isang lalaki na umano’y ‘mastermind’ sa pagpatay sa kanyang sariling kapatid sa harap ng isang hotel sa Subic, Zambales noong November 28,2018.

Ang itinuturong mastermind na si Alan Dennis Lim Sytin ay dumating alas-10 pasado ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 lulan ng AK flight 584, kasama ang isang team ng PNP-Region 3 (Central Luzon ). Siya ay inaresto sa Petaling Jaya, Selangor, Malaysia noong March 22, nang araw ding inaresto ang umano’y kasabwat nitong si Edrian Rementilla, kilala rin bilang Ryan Rementilla at Oliver Fuentes, sa Buhanginan Hills, Pala-o, Iligan City sa Pilipinas.

Ayon kay PNP-Regional Office 3 Director PBGen Jean Fajardo, may nakuha silang impormasyon na nagtatago sa Malaysia ang umanoy utak sa pagpatay kay Domenic Sytin, president and founder of United Auctioneers Inc. (UAI)



Agad na nakipag-ugnayan ang PNP sa Royal Malaysia Police (RMP) para isagawa ang joint operation kung saan naaresto ang suspek ( Dennis ) nitong nakaraang buwan at hiniling ng PNP na pabalikin ito sa Pilipinas para mapanagot sa krimen na nagawa niya sa sariling kapatid.

Sinabi ni Fajardo na ang nahuling kasabwat na si Fuentes at gunman sa pagpatay kay Domenic, ay umamin umano na ang kuya nitong si Dennis, may kinikimkim na galit dahil sa kanilang kompanya, ang nag-utos upang patayin ang kapatid.

Idinagdag pa ni Fajardo na magbibigay ang pamilya ng biktima ng 10 milyon pisong patong sa ulo sa sinumang makapagtuturo o makahuhuli sa ‘one of Central Luzon’s most wanted fugitives’ mula sa kinaroroonan nito.

Si Alan Dennis ay ikukulong sa Camp Olivas,San Fernando, Pampanga habang hinihintay ang commitment order mula sa Manila Regional Trial Court Branch 7, na naglabas ng warrant of arrest , kung saan siya ikukulong para harapin ang kasong pagpatay. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">