Advertisers

Advertisers

2 scavengers namukpok ng martilyo sa ulo, arestado

0 26

Advertisers

Arestado ang dalawang nangangalakal ng bote at bakal (scavengers) nang manuntok at mamukpok ng martilyo sa ulo, sa corner Libiran St., McArthur Higway, Malanday, Valenzuela City, Huwebes, Abril 10.



Kinilala ni police chief PCol. Nixon M. Cayaban ang mga suspek na sina alyas “Castro”, 35, residente ng Hagonoy, Bulacan, at alyas “Boduso” 27, residente ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan. At ang biktima kinilala na si alyas ‘Romy’, 56, residente ng Barangay Malanday, Valenzuela City.

Sa ulat, napansin ni Romy na nagsisiga ang dalawang suspek sa tabi ng kanyang tindahan at sa takot na maaari itong maging sanhi ng sunog, pinagbawalan niya ang mga suspek.

Pagtalikod ng biktima, kaagad itong sinuntok ni Boduso sa likod habang si Castro ay kumuha ng martilyo at ipinukpok sa kaliwang bahagi ng ulo ng una.

Isang ‘concern citizen’ ang tumawag sa Malanday substation-6 at iniulat ang pangyayari at ‘niradyuhan’ naman ng substation-6 ang mobil ng pulisya na kasalukuyang nagpapatrolya sa lugar malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Kaagad naaresto ang dalawang suspek na naabutan pa sa lugar na pinangyarihan ng krimen at narekober din ang martilyong ginamit sa pamumukpok sa biktima.

“Pinalalabas po talaga namin ang ating mga police mobil at nag-iikot sa kani-kanilang area of responsibility para mabilis [na] makaresponde sa mga ganitong pangyayari, at binabati ko po ang ating kapulisan sa kanilang dedikasyon sa trabaho gaya nito,” pahayag ni PCol.Cayaban.

Nahaharap sa kasong attempted murder ang dalawang suspek.(Beth Samson)