Advertisers
Nakapagtala ng malaking pag-angat ang 106 TRABAHO Partylist sa pinakahuling survey ng WR Numero Research para sa 2025 midterm elections.
Mula ika-50 noong Pebrero, ika-13 na pwesto na ang 106 TRABAHO Partylist ngayong Abril batay sa survey matapos ito tumalon ng 37 na pwesto.
Makikita rin ang tuloy-tuloy na pagtaas ng ranggo ng 106 TRABAHO Partylist sa iba pang kilalang survey.
Ayon sa Social Weather Stations o SWS, umakyat sa ika-22 pwesto ang 106 TRABAHO Partylist nitong Marso 2025, malaking pagtalon mula sa ika-55 puwesto nito noong Disyembre 2024.
Layong dalhin ng 106 TRABAHO Partylist sa Kongreso ang mahahalagang plataporma nito na magtataguyod ng dignidad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng reporma at serbisyo publiko.
Ayon kay 106 TRABAHO Partylist first nominee Atty. Johanne Bautista, isinusulong nila ang plataporma ng karagdagang benepisyo, mas mataas na sahod, maayos na kondisyon sa pagtatrabaho, at kapakanan ng manggagawang Pilipino.
Ayon naman kay 106 TRABAHO Partylist second nominee Ninai Chavez, tututukan nila ang paghandog ng patas na oportunidad para sa mga kababaihan, lalo na sa solo parents, at mga may kapansanan.
Giit naman ni 106 TRABAHO Partylist third nominee Kagawad Nelson de Vega na dapat bigyang-pansin ang pagbibigay ng trabahong akma sa kakayahan ng mga senior citizen.