Advertisers

Advertisers

8 EPD-DSOU cops kinasuhan ng kidnapping at robbery

0 13

Advertisers

Sinampahan na ng kasong kidnapping at robbery sa prosecutors office ng Las Pinas City ang walong pulis mula sa Eastern Police District-District Special Operations Unit (DSOU) na sangkot sa pagnanakaw ng aabot sa P85 milyon na halaga ng pera at alahas sa isang Chinese national.

Ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office Director Police Major General Anthony Aberin at base sa resolusyon ng office of the prosecutors ng Las Pinas City, mayroong sapat at malakas na ebidensya upang maisampa ang kaso sa korte.

Pinirmahan at inaprubahan ang resolusyon ng chief prosecutor nang isinagawa ang masusing ebalwasyon sa kaso.



Giit ni Aberin, walang puwang sa NCRPO ang mga police scalawag at hinding-hindi nito kukunsintihin ang anumang uri ng katiwalian sa kanilang hanay kasabay ng pagtiyak na pananagutin sa batas ang mga ito.