Advertisers
NASUNGKIT ni Arvin Lim ng Soccsksargen ang dalawang gintong medalya sa Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games karatedo kumpetisyon sa SM City Huwebes.
Ang 20-year-old mula sa Koronadal City ay nangibabaw sa men’s individual (-75kg) at team (Open) event kabilang sina Carlh Patrick Espino (-84kg), Jayphol Banaria (-67kg), at Jayrald Marquez (-84kg).
“I’m happy for winning two gold medals. My hard work paid off,” Wika ng 5-foot-4 Lim, na third-year criminology student sa Marbel School of Science and Technology. “I dedicate these medals to my family and to Region 12 (Soccsksargen).”
Lim, ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid, ay natutunan ang sport sa edad na pitong taon. Miyembro siya ng King Lion Brotherhood of Martial Arts club na pinamumunuan ni coach Sonny Lim.
“I’ve been training 2 to 3 hours daily after class. I really prepared for this tournament,” Wika ni Lim, na nagwagi ng team bronze nakaraang taon sa Legazpi City. Nakupo niya ang individual (-67kg) at team silver medals sa 2023 edition hosted ng Zamboanga City.
Soccsksargen ay humakot ng 74 golds, 64 silvers, at 35 bronzes upang manateli sa No. 2 sa senior medal tally board, sa likuran ng Central Visayas na may 78 golds, 25 silvers, at 37 bronzes.
Nasa pangatlong puwesto ang Cordillera region na may 23 golds,28 silvers,at 30 bronzes, kasunod ang Western Visayas (18-37-40), Calabarzon (14-18-20), Cagayan Valley (12-11-15), Ilocos Region (10-14-19), Negros Island Region (10-6-29), Western Mindanao (6-14-13), at Central Luzon (3-1-7).