Advertisers

Advertisers

Tolentino, todo-suporta sa P100 dagdag-sweldo

0 9

Advertisers

Suportado ni re-electionist Senator Francis “Tol” Tolentino ang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines na pagsasabatas ng dagdag-sweldo para sa mga manggagawa, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, pamasahe, at iba pang gastusin sa pang-araw-araw.

“Napapanahon na ang dagdag-umento sa sahod. Halos ubos na ang kita ng ating mga manggagawa sa taas ng bilihin,” giit ni Tolentino.

Sinabi ng Majority Leader na aprubado na sa Mataas na Kapulungan ang Senate Bill No. 2534 noong Pebrero ng nakaraang taon, na naglalayong magdagdag ng P100 sa daily minimum wage sa pribadong sektor, at inaabangan na lang nila aniya ang katapat nitong bersyon sa Kamara.



Binigyang-diin pa ni Tolentino na “huling beses nagkaroon ng legislated wage hike ay noong 1989 pa.”

“Hindi dapat ipaubaya lang sa wage board ang desisyong ito dahil tungkulin din ito ng mga halal na mambabatas,” lahad niya.

Ayon pa kay Tolentino, may koneksyon ang mababang suweldo sa mas malalim na mga isyu gaya ng kakulangan sa pagkain, pagkabansot ng kabataan, at kahinaang makipagkompetensya ng lakas-paggawa ng bansa.

“Hindi sumusuko ang manggagawa, huwag natin silang sukuan,” aniya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">