Advertisers
KUMAMADA si Damian Lillard ng 21 sa kanyang 31 points sa ikalawang yugto, habang si CJ McCollum bumakas ng 20 points at 11 assists upang tulungan ang Portland Trail Blazers na ipahiya ang Los Angeles Lakers sa iskor na 115-107, tagumpay kahapon sa Los Angeles.
Gary Trent Jr. umiskor ng 28 points, kabilang ang pitong three pointers para sa ikalawang sunod na panalo ng Blazers laban sa Lakers sa Staples Center.
LeBron James tumikada ng 29 points,nine rebounds at six assists para sa NBA champions, na nalaglag sa 2-2 sa kanilang season-opening homestand.habang si Dennis Schroder nagdagdag ng 24 points,
Sa OKLAHOMA City— Donovan Mitchell nagtapos ng 20 points upang buhatin ang Utah Jazz sa manipis na 110-109 laban sa makulit na Oklahoma City Thunder.
Bojan Bogdanovic umiskor ng 23 points habang si Mike Conley nagdagdag ng 20 points, 10 rebounds at nine assists para sa Jazz. na tinuldukan ang 17-game losing streak sa regular season road games laban sa Thunder, kabilang ang laro sa NBA’s Orlando bubble nakaraang season, ang huling panalo ng Utah sa Oklahoma City ay noong October 31 2010.
Shai Gilgeous-Alexander umiskor ng 23 points at seven assists,habang si Luguentz Dort nag-ambag ng 26 points para sa Thunder.
Ang susunod na makakaharap ng Jazz ay Phoenix Suns sa Salt Lake City sa Huwebes, at Los Angeles Clippers sa Biyernes.