Advertisers
DEAD ON SPOT ang isang lalaki nang siya ay makuryente mula sa kanal na hinukay ng DPWH Flood Control Projects nitong Huwebes, April 10, 2025 sa Pasay City.
Kinilala ang biktima na si Dante Alvarez Y Villamor, 50 taong gulang, Scavenger na walang permanenteng address.
Base sa inisyal na impormasyon, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga barangay tanod ay nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa lugar na malapit sa LRT Depot, malapit sa Andrews Avenue, kanto ng BAC 1-11 Street.
Pagdating nila para siyasatin ang pagsabog na nagmula sa flood control project ng DPWH ay napansin nila ang sinunog na mga wire ng kuryente.
Natuklasan malapit sa lugar ang isang katawan ng tao na nakahiga sa isang kanal na puno ng tubig na hinihinalang nakuryente .
Nagkaroon ng power interruption ang MERALCO sa ilang barangay na malapit sa flood project. (JOJO SADIWA)