Advertisers

Advertisers

Cristiano Ronaldo nasungkit ang player of century award sa Dubai

0 219

Advertisers

HINIRANG na player of the century nitong Linggo si Cristiano Ronaldo sa Dubai Globe Soccer Awards.
Naungusan si Leo Messi ng Barcelona at Mohamed Salah ng Liverpool, na ibinotong player of the 2000s ng 23-person jury,kabilang ang mga coaches at dating players at worldwide fan votes.
Ang five-time UEFA Champions League winner ( apat sa Real Madrid, isa sa Man UTD) ay pinamunuan ang Portugal national team na masungkit ang kanilang kauna-unahang major title, ang UEFA EURO 2016.
Ronaldo, na team captain rin ng Portugal, ay umiskor ng 102 goals para sa kanyabg bansa.
Sinako nya ang English Premier League title sa Red Davis sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon (2007-2008,2009.
Bilang Juventus player buhat noong 2018, Si Ronaldo ang naging Italian champion ng dalawang beses na umiskor ng 81 goals sa loob ng 103 games para sa Italian club.
Inangkin rin nang superstar ang dalawang Best FIFA Men’s Player awards, five Ballon d’Or awards, at napili na UEFA best player sa Europe ng tatlong beses.
Samantala, ang Real Madrid ang napiling Club of the Century, habang ang Manchester City manager Pep Guardiola ang nagwagi na Coach of the Century title at Bayern Munich forward Robert Lewandowski ang naging Player of the Year para sa 2020.