Advertisers
NOONG Lunes. Naibalita ang isang 101-anyos na lola sa isang nursing home sa Inglatera ang naunang binigyan ng bakuna kontra coronavirus. Nagdiriwang na sana ang aming puso sa saya sa positibong ulat hanggang natunghayan namin ang pag-amin ng hepe ng Hukbong Katihan na naunang binigyan ang mga sundalo at piling nilalang ng bakuna.
Naunang binakunahan ang mga pinagpala kahit walang aprubadong bakuna ang Food and Drug Administration at protocol ang Department of Health. Hindi binanggit kung ano at saan galing ang ginamit na bakuna bagaman malakas ang salita na galing at gawa ito sa China. Bakuna na gawa ng Sinopharm, isang kumpanyang Chinese, ayon sa ilang nalathalang balita.
Hanggang ngayon, walang malinaw na polisiya ang gobyerno ni Rodrigo Duterte sa bakuna. Hindi ipinaliwanag kung bakit nauna silang nabakunahan. Hindi sinabi kung bahagi sila sa clinical test ng dayuhang kumpanya na tumutuklas ng epektibong bakuna.
Simula nang humagupit ang pandemya noong Pebrero, walang malinaw na istratehiya, plano, o programa ang gobyerno ni Duterte upang masugpo ang mapinsalang virus. Walang target, walang mass testing, at walang contract tracing. Umaasa si Duterte sa bakuna bilang pinakamabisang pananggalang kontra sa pandemya.
Maanomalya ang bakuna, ani Leila de Lima, ang senadorang nakapiit dahil sa gawa-gawang sakdal. Bakit nauunang nabakunahan ang mga sundalo at piling sibilyan ng bakunang gawa sa China kahit walang opisyal na clearance ito sa mga sangay ng pamahalaan katulad ng DoH, FDA, DoST, at kahit ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF)? aniya. Pinaboran ang mga sundalo at ilang sibilyan? aniya.
Hindi kinilala ang mga sundalo at piling sibilyan. Hindi binanggit ang kanilang pagkakakilanlan bagaman may mga humugong na balita na kasama sa kanila ang mga paboritong heneral, mambabatas, at mataas na opisyales ng Ehekutibo. Hindi sinabi kung may kasamang heneral na mga pulis at ilang piling opisyales ng PNP.
Hindi sinabi kung nabakunahan na si Duterte bagaman may ulat na tutol ang kanyang mga doktor na bakunahan siya dahil sa kanyang karamdaman. Hindi nagpapabakuna si Bise Presidente Leni Robredo, ayon sa kanyang tagapagsalita, kahit na abala siya na pumupunta sa mga nasalanta ng kalamidad.
Hindi natutuwa si Gideon Lasco, isang kolumnista at netizen. Ani Gideon: “It is grossly immoral for Duterte to vaccinate his men ahead of the Filipino people, bypassing DOH protocols and healthcare workers alike – and betraying his own promises of universal and equitable access to vaccines.” Tinawag ni Ba Ipe, isang socmed influencer, na “espesyal na mga nilalang ang mga naunang nabakunahan.” Ani Ba ipe: “What [Duterte] did has made soldiers and his guys the favored people, a special caste in a stratified society.”
Mukhang maayos si Carlito Galvez, Jr., ang retiradong heneral na nagsisilbing bilang vaccine czar. Binuksan ang hapag upang magsumite ng mga proposal ang ilang dayuhang kumpanya na nagsasaliksik ng mabisang bakuna kontra sa pesteng virus. Ngunit palagi siyang sinasapawan ni Duterte na nagpipilit na ipakita ang kanyang impluwensiya kahit pinagtatawan siya.
Ani Joe America, ang maimpluwensiyang netizen: “I read Vaccine Czar Galvez and he seems to have a realistic sense of what vaccines will be available when. Why is the President trampling all over that with threats toward the US that look a lot like extortion? The PH needs a hard-driving team with expertise and authority to act.” Ang problema ay binabaligtad ni Duterte ang ilang desisyon na maaari sana taluntunin ni Galvez.
Labis na nagmukhang kahiya-hiya ang tila bangag na lider nang sinabi niya ang polisiya sa bakuna: “No vaccine, no VFA.” Matutuloy lamang ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Filipinas kug magbibigay ng 20 milyon doseas ang Washington. Mistulang extortionist si Duterte, ayon sa mga komentarista.
Lingid sa kaalaman ni Duterte, nagmumukha lamang siyang tanga sapagkat hindi siya pinansin ni Donald Trump at ang papasok na pangulo na si Joe Biden. Batid nila na may topak si Duterte. Hindi dapat seryosohin. Alam namin na nagtatapang-tapangan lamang si Duterte. Batid namin na babalasahin ni Biden si Duterte sa sandaling maupo ito sa ika-20 ng Enero.
Kung kami si Galvez, mainam na magbitriw na lamang siya sa kanyang posisyon. Kapag nagbitw siya, mas lilinis ang kanyang pangalan. Hindi niya kailangan ang magtrabaho sa ilalim g gobyerno ni Duterte. Sabi ng isang netizen na nagtatago sa pangalang Shintaro Abe, maaaring ang pagbibitiw ni Galvez ang pagmumulan ng kilusang “no confidence” sa AFP.
***
PUNONG-puno ng tiwala sa sarili at kayabangan si Duterte nang ipahayag niya tatlo o apat na buwan ang nakakalipas na maglulunsad ang kanyang gobyerno ng libreng bakunang bayan kontra Covid-19. Ipamimigay ng libre sa sambayanan ang bakuna. Ngunit mukhang hindi ito ang mangyayari. Mukhang sasaluhin ng mga local government units (LGUs) ang panukalang bakunang bayan.
Walang salapi ang national government. Walang makolekta na sapat na buwis upang tustusan ang libreng bakunang bayan. Hindi makapangutang. Sinubukang mangutang sa World Bank at Asian Development Bank upang makakuha ng bakuna na galing Pfizer,ngunit hindi nagtrabaho si Francisco Duque III. Hindi makakilos ang gobyerno ni Duterte. Baon sa utang ang national government. Hindi maaalis ang umasa sa mga LGUs.
Walang problema kung LGU ang magsasagawa ng bakunang bayan. Ngunit hindi masagana sa salapi ang mga LGU. Maaaring ibigay nila ang kanilang network, lalo na ang mahigit ng 93,000 barangay sa buong bansa. Ngunit kailangan pa rin ang national government.
Sa national government manggagaling ang mga bakuna. Sila sa Ehekutibo ang bibili ng mga bakuna upang ipamigay ng mga LGU. Ito ang naunang model na bakunang bayan. Ginawa ito noong 1993 ni Juan Flavier at 2014 noong panahon ni PNoy. Tagumpay ang mga bakunang bayan kontra polio, tigdas at dengue fever dahil sa maayos na sistema.
***
MGA PILING SALITA: “Duterte people, who don’t believe the visa and travel ban to U.S. under the Magnitsky Law and the expanded Global Magnitsky Law, should test the ban by going there and try to enter the U.S. Hence, the likes of Tito Sotto, Manny Pacquiao, Bato, Bong Go, Jose Calida, and other skeptics should try using their issued U.S. visas and see for themselves their current situation. They could gloat to their hearts’ content, if they could enter without hassles. At the moment, they should shut up instead of expressing their opinions, which are contrary to news reports.” – PL, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com