Advertisers

Advertisers

‘KUPAL MOVES’

0 18

Advertisers

HABANG umiinit ang panahon tila umiinit ang kaganapan sa mundo ng pulitika. Umiinit din ang sitwasyon sa mga kandidato sa eleksyon. Nakakaaliw sila; nagpara silang mga mababait, na nagpapabebe, ng botante. Ang tinutukoy ng maliit na peryodistang ito ay kanya- kanyang paraan, at pakulo sa kampanya nila.

Sa totoo lang natatawa, minsan napapailing ako. Kadalasan nakikita, at napupuna ko, na ang ginagawa nilang gimik ay humahantong sa, paumanhin, at pahintulutan ninyong tawagin kong mga “kupal moves,” na pilit ipinapasok sa kampanya makakuha lang ng boto. Dalawa ang nakikita ko.

Una, ay ang paninira, tulad ng ginamit ni Ian Sia, na halatang-obvious nagdo- double down sa umanong pagyurak ng damdamin matapos magmagandang-loob na iambag ang sarili niyang semilya para mahupa ang nararamdamang kalibugan ng mga kababaihang tigang sa dilig. Isama natin ang isa pang feeling-bulog na itago natin sa pangalang Peter Unabia na tumatakbong gobernador ng Misamis Oriental, na dili man pwede ka ang maot, kay kung luya ang mga lalaki, atuba gon pangit na nurse, naunsa naman, mosamot mosamot atong sakit ana!



Ang hamag na kumakandidato ng gobernador ng Batangas, na mas gusto kay Kathryn Bernardo, at ayaw kay Vilma Santos dahil sa pananaw niya mas may katuturan ng kandidatong nahihipo! Aaminin ko natatawa ako sa mga diga ng mga “kandidatong ito. Ngunit diretsahin ko kayo: Sila ay mga kandidatong kupal.

Bakit ko naman nasabi yon? Upang makakuha ng “pogi points” sa mga botante, hahamakin niya at ginagawang katatawanan ang kababaihan. Sa akin, ito ay kandidatong kupal, at ang ganitong tao ay hindi dapat maluklok. Samakatuwid opinyon ng maliit na peryodistang ito kapag bahagi ng pangangampanya mo ay yurakan ang pagkatao, babae man o lalake, upang maka pogi-points didiretsohin kita, hindi ka pogi. Kupal ka. Kaya sa tatlong nabanggit ko; kupal kayo.

***

Bagama’t patuloy manduro ang pulahang tsina sa ating hangganan, natutuwa ang inyong abang lingkod na mas umigting ang pagtatanggol natin laban sa panghihimasok nila sa ating karapatan. Huwag tayo maging kampante sa isyu ng soberanya ng ating teritoryo. Ang pulahang tsina at kanilang kasapakat ay kailanman hindi mapagkakatiwalaan.

Ang maganda lang nananatili tayong masidhi sa pagtatanggol sa ating teritoryo. Ikinagagalak ko na napipikon na sila, ikinatutuwa ko na papikit-pikit na sila at natataranta. Natutulak na kayo dahil lumalaban na ang Pilipinas. Uulitin ko, walang maidudulot na kahihinatnan ng pakikipag ugnayan sa pulahang tsina. Uulit-ulitin ko ito hanggang sa huli kong hininga.



Labanan ang kahibangan ng pulahang tsina. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas at kasihan nawa tayong lahat ni Poong kabunian.

***

WikaHulugan:

TAAL: taal, katumbas ng salitang likas o katutubo (mula) sa isang pook; maaaring ring likas o katutubong katangian ng isang tao, hayop, halaman, o ibang organismo. Kapag ginamit ito sa salita: “Nais kong lumakbay sa isang pook na TAAL sa kalikasang likas.