Advertisers
Walang SILBI at balewala ang pinapakitang SUPORTA sa mga DUTERTE sa Davao man o’ mga karatig-bayan at maging sa buong Mindanao.
Maski na sa The Netherlands, Hong Kong at sa ibang panig ng mundo ay wala rin itong silbi at hindi mapapansin.
Maaaring solid nga ng mga ito ngunit hanggang dito na lang sila sa mga nasabing lugar.
Sa bandang huli kasi ay lungsod muna ng Maynila at buong National Capital Region (NCR) muna ang kailangan nilang makuha bago pa mapasa-kanila ang buong Pilipinas.
Kung “saan nga naman Ang Maynila ay nandon ang BANSA” dahil ito ang seat of government at sentro ng buong Pinas.
Sayang lang ang protesta, mga rally at pagkakaisang pinapakitang ng mga DDL dahil sila-sila lang ang nakakarinig at nagka-kaintindihan.
Mas mainam pa siguro kung languyin na lang nila mula Davao hanggang Maynila at baka sakaling maka-kuha pa sila ng simpatiya.
At kung pagiging solid naman ang pag-uusapan ay baka di hamak na mas matikas ang mga Tagalog at mga taga Norte na sinasabing namang baluwarte ni PBBM.
Baka daw parang kamot lang sa likod ng mga ito at kapiranggot lang kung ikukumpara sa pang kalahatan at buong Pinas.
Sa puntong ito ay namamalaging kalmado lang si PBBM na maaaring tinatawanan lang silang lahat sa kanilang mga kalokohan.
Ayon sa mga eksperto, knock down na daw si FPRRD at hindi na makakabangon kahit bilangan pa ng referree ng hanggang 5000 kung kaya’t huwag na daw humirit pa.
Ito anilang knockout punch na tinamo ni Digong ay galing sa kamao ng sambayanang Pilipino na masyadong naalipusta at naapi noon kanyang administrasyon.
Paano na daw ang libu-libong mga tao na namatay at pinatay sa kasagsagan ng kanyang all out war laban sa droga.
Ang mga ito ay pinatay na para lamang nga ibon sa kanyang gobyerno,ano na ang nangyari?
Hindi na nakapalag at nakahirit pa ang mga ito dahil utos daw ito ng Presidente gayon din ang mga nag-patupad nito na may basbas naman at blessing sa Presidente kaya ano pa ba Ang hinihirit ninyo?
Maliban sa sinampang Kaso ng ICC na crimes against humanity ay marami pa ring anomalya ang kinasangkutan ng mga DUTERTE sa pangunguna ni VP Sara,asawa nitong si Atty. Manz Carpio at mga Kapatid nitong si Polong at Baste.
Ang mga kaganapang bang ito ay nararamdaman o di kaya’y naririnig ng mga DDL.
Tinatanong ba nila sa kanilang mga sarili kung may hustisyang nakuha ang mga namatay tulad ng hustisyang hinihingi nila para Kay Digong.
Hindi yata fair and square ang gusto nilang mangyari,hindi ba kayo self-centered na walang inintindi kundi kapakanan lang ng isang tao at hindi ang kapakanan ng nakararami??