Alex Gonzaga Bilib Sa Husay Sa Serbisyo Ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST Ni Cong. Jojo Ang; UNTOLD Ni Jodi Sta. Maria Sobrang Intense At Nakatatakot
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
MALIBAN sa madalas na pagsama sa kampanya ng husband na si Mikee Morada na tumatakbong Vice Mayor ng Lipa City, todo rin ang suportang ibinibigay ni Alex Gonzaga kay Cong. James “Jojo” Ang, Jr ng ILONGGO PARTY-LIST.
Nakita at nasaksihan mismo ni Alex kung gaano kamahal si Cong. Jojo ng mga kapwa niya Ilonggo nang maimbitahan siya kasama ng famous parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy at Uncle Jojo. Dinala sila ni Cong. Jojo at ng team nito sa famous na Sicogon Isla Gigantes sa Carles. At na-enjoy nang husto nina Alex ang inihanda sa kanilang yummy and fresh seafoods.
Tinour din sila ni Cong. Jojo sa Guimaras na nariyan ang pinakatamis na mangga sa Pinas at Roxas City na maraming seafood. Samantala, kinabibiliban talaga ni Alex ang husay sa serbisyo ni Cong. Jojo, na maraming proyekto na ang mga nagawa sa IloIlo since umupo ito bilang Kongresista noong 2022 hanggang taong kasalukuyan. 162 na ang Imprastrakturang naitayo ng Uswag Ilonggo, 26,720 ang nabigyan ng tulong Medical, 4,623 ang mga napagkalooban ng Skills Training, 3,869 na magsasaka at mangingisda ang natulungan, nasa 55,542 ang bilang ng Disadvantaged Workers ang mga nabigyan ng trabaho, 6,099 na ang kanilang Scholars sa iba’t ibang schools sa Iloilo at umabot na sa 45,752 ang mga pamilyang nabigyan ng tulong pinansyal ni Cong. Jojo at ng kanyang partylist na minamahal at matagal nang sinusuportahan ng mga Ilonggo. Napaunlad lalo rin ni Cong. Jojo ang kanilang turismo lalo’t kilalang mayaman sa kultura ang Iloilo.
At marami pang magagandang plano si Cong. Jojo para sa mga constituents at ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga naunang proyekto. Siya (Cong.Jojo) ang mag-isang nakaupo bilang Representative ng Uswag Ilonggo Party-list at tumatakbo uli siya ngayong 2025 Midterm Election. In all fairness, parating pasok sa survey ng Top Ten Partylists ang Uswag Ilonggo na 156 ang opisyal na numero sa balota.
Sabi nga ni Alex, nasa panghuling numero ang Uswag Ilonggo, kaya madali itong matandaan ng mga botante. Their aim is to elevate the lives of every Ilonggo and promote positive change at totoong kampyon sa serbisyo si Cong. Jojo Ang.
***
FIRST time pala ng Asia’s Best Actress na si Jodi Sta. Maria to work with Regal Entertainment of Ma’am Beautiful Roselle and Sir Keith Monteverde. Kaya super excited na si Jodi sa latest psycho horror movie niyang “UNTOLD.” Actually, matagal nang pangarap ng actress na maging artista ng Regal, na kilala sa mga blockbusters nilang Pinoy big horror movies lalo na ang Shake Rattle & Roll na kanyang kinalakhan
“Yes, dream ko talaga yan na sana sa isang episode ng SRR ay mapasama naman ako. Well, hindi man ito nangyari, maganda naman ang kapalit ito ngang Untold movie namin.”
Actually, matagal nang pinitch ni Direk Derick Cabrido kay Jodi itong Untold. Nagkasama na ang dalawa sa 2019 horror mystery movie na Clarita na pinagbidahan din ng Kapamilya actress. Tapos last year lang siya umoo dahil nagustuhan niya at kakaiba ito sa mga naunang ginawa niya. Saka maganda kasi yung working relationship nila ni Direk Derick.
“Iyong working relationship kasi namin ni Direk is built on trust, I super trust him as my director. Kahit pa alam kong pagsusuotin niya ako ng harness dito sa Untold ay okey lang at sanay na ako sa kanya dahil ginawa niya na sa akin yan sa Clarita. Na sabi niya yung dobol ko ang gagawa yun pala ako rin yung nakabitin.
“And one more thing na gusto ko kay Direk Derick ay collaborative siya na nakikinig sa suggestions naming mga actor sa pelikula.”
Dito sa Untold ay gagampanan ni Jodi ang character ni Vivian Vera na isang journalist o news reporter sa TV na gagawin ang lahat para sumikat at guminhawa ang buhay ng kanyang pamilya. Na umabot siya sa sitwasyon na kahit fake news ay kanyang ibinibalita. At dito na magsisimula na magiging horror ang buhay niya na makakakita ng iba’t ibang elemento na pati sarili niya ay tatakutin siya.
Sa intense ng mga katatakutang eksena ay humamig agad ng 4 million views ang official movie trailer nito and still counting. Dinumog din ang actress at ilang major co-stars sa ginawa nilang FanCom sa SM City Cebu at jampacked ang buong sinehan nang ipalabas ito.
Nagkaroon din sila ng advance ticket selling sa nasabing mall at mapapanood ng mga ito ang Untold sa April 30 sa nationwide showing nito. Magkakakaroon din ito ng worldwide showing in cooperation with ABS-CBN International. Very well attended pala ang mediacon ng Untold na ginanap sa 38 Valencia Events Place na pag-aari ng mga Monteverde. At masayang nakihalubilo ang cast members nito sa press people headed by Jodi Sta. Maria, Miss U Gloria Diaz na may batang jowa, JK Labajo, Joem Bascon, Sarah Edwards at Lianne Valentin. Ka-join din sa cast sina Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Miggs Cuarderno and many more.
Well, tiyak na magugustuhan ng moviegoers na suki ng horror films itong UNTOLD na Rated 13 without cuts ng MTRCB na palabas na nga sa April 30 sa maraming sinehan sa buong bansa.