Advertisers

Advertisers

Mga nagkakalat ng fake news sa Maynila napigilan ni Mayor Honey na gamitin ang sitwasyon sa UM

0 20

Advertisers

ANG mahadlangan ang fake news kung saan ayon kay Mayor Honey Lacuna ay bihasa ang kanyang karibal sa pulitika, ang siyang dahilan kaya naman nilinaw niya na ang University of Manila (UM) ay isang private school, at hindi pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynla at ito ay magkaiba sa Universidad de Manila (UdM) at sa Pamantasan ng Maynila (PLM).

Sinabi ni Lacuna na ang PLM at UdM ang tanging dalawang pamantasan na pinatatakbo ng ng lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan bilang alkalde, siya rin ang tumatayiong Chairman of the Board of Regents.

Ginawa ng lady mayor ang klaripikasyon made the clarification after the UM’s Legal matapos na ang Education ay ianunsyo ang pagsasara ng College of Law ng UM dahil sa “dismal performance” sa bar examinations, pagkabigong ma-meet ang prescribed curriculum at academic standards para sa legal education at kakulangan sa facilities at resources.



Ayon kay Lacuna, kailangang gawin ang paglilinaw dahil may mga mapagsamantalang karibal sa pulitika na maaaring gamitin ang sitwasyon sa UM at palabasin na nasabing kolehiyo ay pinatatakbo ng lungsod ng Maynila at isisi ang kabiguan sa kanyang administrasyon.

“We are fully aware and it is also public knowledge that our opponents do employ dirty tactics and hinge their campaign on fake news, disinformation and misinformation due to apparent lack of solid programs and lack of legitimate issues against our administration,” Sabi ni Lacuna.

Sa kabila na nakatali ang lungsod sa responsibilidad ng pagbabayad ng P7.8 billion na iniwang pagkakautang ni Isko Moreno, dahil sa episyenteng fiscal management ni Lacuna ang pamahalaang lungsod ay na-subsidize PLM sa halagang P344.155 million at P459.35 million para sa UDM. Dahil din dito ay ginawaran ang lungsod sa kauna-unahang pagkakataon ng Seal of Good Local Governance.

At sa pamamagitan din ng pinagsabig na kakayahan ng lungsod at ng Tanggapan ni Congressman Rolan Valeriano (2nd district), sinabi ni Lacuna na ang kauna-unahang annex ng UDM ay itatayo sa first district ng Tondo.

Maliban pa dito,ang mga mag-aaral ng PLM at UDM ay tumatanggap ng P1,000 buwanang monthly financial assistance bilang bahagi ng city’s social amelioration program na nagbibigay din katulad na halaga bilang buwang n provides cash aid para sa senior citizens at P500 kada buwan para naman sa persons with disablity at solo parents.



Kabilang sa iba pang nagawa ng Lacuna’s administration sa aspeto ng edukasyon ay ang mga sumusunod: P2,000 graduation gift para sa graduates ng PLM at UDM na may mga bagong kursong inaalok ngayon; new public libraries sa Paco at Sta. Cruz at konstruksyon ng mga bagong gusali ng pampublikong paaralan na kinabibilangan ng Guerrero building sa Aurora A. Quezon Elementary School, V. Mapa High School building, Isabelo Delos Reyes Elementary School at Emilio Jacinto Elementary School. (ANDI GARCIA)