Advertisers
Ni Archie Liao
HABANG lumalaki, walang masyadong memory si Kylie Padilla ng kanyang uncle na si Rustom Padilla.
Ito ay kanyang isiniwalat nang maging panauhin siya ni BB Gandanghari sa vlog nito.
Ipinaalala naman ni BB (dating Rustom) na naging assistant director siya ni Kylie sa isang proyektong hinawakan nito.
Ayon pa kay BB, noon pa man daw ay nakita niya ang potensyal ng pagiging action star ni Kylie tulad ng ama nitong si Robin.
Sey naman ni Kylie, noong bata pa raw siya ay naranasan na niya ang ma-expose sa limelight.
Katunayan, nasaksihan daw niya noon na kinukuyog ng mga fan ang amang action superstar habang kasama siya.
Naging papansin din daw siya noon sa kanyang Papa.
Pagbabalik-tanaw pa niya, ang sister daw niyang si Queenie ang bet noon ng tatay na i-train bilang action star.
Pero dahil daw sa pagpapansin niya ay sa kanya nabaling ang atensyon ni Binoe.
Nag-train daw siya noon sa wushu, muay thai, arnis, mixed martial arts at iba pa.
Iyon daw ang path na tinutumbok niya pagkatapos na makilala siya bilang palabang Sang’gre sa “Encantandia.”
Ang siste, nadiskaril daw ang kanyang pagiging action star dahil nabuntis siya ni Aljur Abrenica.
Inamin din niya na hindi niya choice at first ang magpakasal pero nangibabaw daw ang puso niya noon.
Sey pa niya, isinuko raw niya ang kanyang blossoming career for love.
Dagdag pa niya, marami rin daw siyang pinalampas na movie, TV offers at endorsements.
Pandemic daw naman na-realize niya na hindi sila meant sa isa’t isa ni Aljur.
Ito raw ay pagkatapos na magsulputan ang domestic problems nila noong panahon hindi sila busy at kapuwa magkasama lang sa bahay.
Sa kasalukuyan, okey na raw naman ang relasyon nila ni Aljur after na maghiwalay nila.
Tanggap na rin daw niya na may iba nang nagpapaligaya rito.
Sa kanyang muling pagsabak sa mga teleserye ng GMA-7, bet daw niyang balikan ang kanyang naunsyaming pangarap na maging action star.
Ito raw ang dahilan kaya pursigido siya ngayon sa pagtre-training lalo pa’t kasama siya sa cast ng upcoming fantaseryeng “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”
***
Virgin Labfest XX Writing Fellowship Program, bukas na
ANG mga aspiring playwrights ay puwede nang mag-apply para sa Virgin Labfest XX Writing Fellowship Program (VLF XX WFP) hanggang April 30, 2025.
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), sa pamamagitan ng Artist Training Division nito ay bukas na sa pagtanggap ng mga aplikante para sa two-week mentorship program sa larangan ng dramatic acting sa teatro.
Ang VLF XX WFP ay bukas sa mga aplikante, na may edad na 18 hanggang 29; college student o young professional; hindi pa nakasasali o nanalo sa anumang professional playwriting at screenwriting platform; at handang ilaan ang kanilang buong panahon sa mentorship.
Ang mapipiling fellows ay kailangang magbayad ng minimal registration fee na Php 2,500.
Para sa mga interesado, puwedeng ma-download ang application form sa bit.ly/VLF20WFPFellowshipApplication, kasama ang isa o dalawang sample ng stage plays (maximum of 10 pages total) in .pdf format na wikang Pilipino o Ingles. Puwede ring i-sumite ang requirements sa ccp.vlfwfp@gmail.com.
Ang mga mapipiling fellows ay inaanunsyo sa Mayo 20, 2025.