Advertisers
Araw ng Kagitingan sa Miyerkules. Ginugunita natin ang ating mga nakipaglaban para sa malayang Pilipinas.
Sa panahon ng kapayapaan ay pinaprangalan din natin dapat mga bagong bayani ng lahi. Tulad ng atletang Pinoy na kumatawan sa ating bansa sa ibayong dagat. Mga magigiting na nag-uwi ng mga medalya bilang mga Pinoy.
Isa sa kanila ay si Elma Muros na 15 ang nasungkit na karangalan sa SEA Games. Bukod diyan may isa rin siyang bronze sa Asian Games. Pagkaretiro ng long jump queen ay pinili pa rin niya dito manirahan upang magsanay ng mga batang bida ng sport.
Hindi siya nagpasilaw sa dolyares sa lupain ng mga banyaga.
Katuwang ng tubong-Romblon ang asawang si Jojo Posadas. Naka-focus sila ngayon na mag-train ng mga kabataan sa track and field. Sila in charge sa athletics sa Brent School sa Laguna at JRU sa Mandaluyong.
Natatawag din ang mga Posadas ng Phil Sports Commission na tumulong sa paghahanda ng ating mga pambansang manlalaro.
Isang babae at lalake ang kanilang mga anak na mga sports minded din. Yung panganay naging bahagi ng UP women’s basketball team…
***
Lumalabas na kapag naging MVP sa PBA ay awtomatikong kabilang sa Greatest List.
Itong listahan para sa ika-50 taon ay kasali sina June Mar Fajarda at Scottie Thompson dahil nakawalo na si The Kraken at isa si Iskati.
Oo nauna pa sila sa mga retirado gaya nina Ranidel de Ocampo at Gary David o sa technically retired na si LA Tenorio.
Ganyan din nangyari sa pagkahirang kay Jayson Castro. May isang MVP na din siya noong 40th anniversary. Nawala tuloy sa listahan sina Nelson Asaytono, Abe King at Manny Victorino. Mabuti ngayon nakasama na ang tatlo sa talaan
***
Sa mga senatorial survey ay nasa huling anim ng Magic 12 si Manny Pacquiao.
Marahil batid ng tao na mas maraning magaling sa kanya na maupo sa Senado.
Eka nga ni Tata Selo ay hindi bagay sa pambansang kamao ang trabaho ng isang senador.
Kung nais lang niya tumulong sa tao ay may iba pang paraan. Tutal mayaman naman siya at kayang gumawa ng sariling mga proyekto gamit ang kanyang pera.
Saka pareho na siyang nagsilbi sa Mababa at Mataas na Kapulungan. Higit na maigi gugulin na lang niya oras sa pagdiskubrs ng mga batang boksingero.
Hayaan na niya ang tungkulin bilang mambabatas sa mas kwalipikado. Sana ganyan di ang isipin ng mga botante sa Mayo.
Dami mas karapat-dapat sa asawa ni Jinkee.