Advertisers

Advertisers

Bong Go No. 1 sa latest Pulso ng Pilipino survey

0 17

Advertisers

Muling nanguna si Senator Christopher “Bong” Go sa “pambansang kamalayan” sa pinakabagong survey ng Pulso ng Pilipino na isinagawa mula Marso 22 hanggang 29, na nagpatibay sa kanyang posisyon bilang “leading contender” sa 2025 midterm senatorial race.

Ang survey sa 1,800 respondents sa buong bansa, ay nagsiwalat na gusto si Go ng 57.6% botante at naglagay sa kanya sa Rank 1–2 bracket. Sumasalamin din ang resulta sa patuloy na lumalagong suporta ng mga Pilipino sa senador, kilala sa kanyang hands-on approach na public service, lalo sa mga mahihirap.

“Simpleng probinsyano lang po ako na gustong tumulong at maglingkod sa abot ng aking makakaya. Kaya tuloy lang tayo sa pagseserbisyo,” sabi ni Go na kung tawagin ay “Mr. Malasakit” dahil sa estilo ng kanyang paglilingkod sa mga komunidad.



Ang patuloy na pag-akyat ni Go sa mga survey ng opinyon ng publiko ay nagbibigay-diin din sa malalim na pagtitiwala ng maraming Pilipino sa kanyang accessibility sa mga panahong siya ay kailangan ng mga tao.

“Hindi ko po sasayangin ang inyong tiwala at wala po akong sasayanging oras. Asahan po ninyo na mangunguna din sa aking puso’t isipan ang pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit,” ayon sa senador.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, aktibo niyang isinusulong ang mga hakbang na nagpapalawak ng access sa healthcare services sa taumbyana sa pamamagitan ng mga Malasakit Centers, Super Health Centers, at Regional Specialty Centers.

Matatandaan na sa Pahayag 2025 First Quarter survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc. mula Marso 15 hanggang 20, lumabas din si Go bilang nangungunang senatorial candidate sa nakuha niyang 45% sa aided preference category. Nanguna rin si Senator Go sa March 2025 Social Weather Stations (SWS) survey na kinomisyon ng Stratbase, sa nairehistrong voter preference rating na 42%.

Ang kanya ring pangunguna sa survey ng Pulse Asia noong Pebrero 20–26 ay lalong nagpatibay sa momentum niyang ito. Si Senador Go ay nakakuha ng 58.1%, malaking lundag mula sa 50.4% na naitala niya noong Enero, kung saan siya ay pumangalawa hanggang ikatlo.



“Patuloy akong magseserbisyo sa inyo dahil bisyo ko ang magserbisyo at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Panginoon, serbisyo kay Allah,” idiniin ni Go.