Advertisers
Ni BLESSIE CIRERA
IDINENAY ni Kathryn Bernardo ang mga kumakalat na tsika na may bago nang nagpapatibok sa kanyang puso.
Tsika ni Kath, masaya anya siya sa kanyang trabaho ngayon at sa pagiging single.
So, malinaw ito na walang katotohanan na may relasyon na si Kathryn kay Lucena City Mayor Mark Alcala.
Nauna rito, nabalita ang paglamlam ng tsika hinggil kay Kath at kay Alden Richards matapos ang second movie na ginawa nila
Napansin pa nga ng ilang netizens na tila hindi sila nagpansinan nang magkatagpo sa Bench fashion show kamakailan.
Matapos ito ay sumingaw na ang tsikang nagkakamabutihan ang aktres at ang nasabing alkalde na nagresulta sa iba’t ibang reaksyon lalo na sa mga tagahanga nila ni Alden.
Pero ayun na nga, nang matanong ay sinabi ni Kath na magkaibigan lang daw sila ni Mayor Alcala at walang ibang namamagitan sa kanila.
Maging ang mader ni Kath na si Mommy Min ay inihayag na single pa rin daw ang anak at wala pa ring ibang dyowa kaya huwag na anyang palakihin pa ang isyu sa kanila ni Mayor Alcala.