Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAY rebelasyon si Kim Molina tungkol relasyon nila ni Jerald Napoles.
May kinalaman ito kung paano nila naiiwasan ang madalas na away ng magkasintahan.
Ayon kay Kim, “Ano po kasi, ang set-up namin ni Je, we do live together pero may separate rooms kami!
“So nagkataon, ako kasi I was independent since I was sixteen kasi family ko nasa Saudi, di ba?
“Tapos si Jerald naman lagi siyang mag-isa, ever since kasi only child siya.
“So pareho kaming sanay kaming mag-isa.
“So kapag nage-gets na namin na kailangan ng space itong isa, pupunta ako sa kuwarto ko, tapos siya pupunta siya sa kuwarto niya, tapos puwede siyang pumunta sa kung saan.
“Katulad nga ng sinabi ko sa podcast namin, ‘Masaya akong merong tayo, kahit meron pa ring ako.’
“So buo pa rin kami individually.
“And when we’re together we’re stronger.
“So we have that kind of set-up na kapag we feel like we need space from everything, whether it be sa aming dalawa or the world, whatever, I have my own thing, he has his own thing.
“So I think that’s how it works for the both of us.”
Gaganap sila bilang si Zuri (Kim) at Andy (Jerald) sa “Un-Ex You”.
Ipapalabas sa mga sinehan ang “UN-Ex You” sa April 9, 2025 na kasama rin sa cast sina Candy Pangilinan (bilang Mameng), Vladia Disuanco (bilang Beybeh), Kyosu Guinto (Bry), Bob Jbeili (Greg) at Marnie Lapus, sa direksyon ni RC Delos Reyes.