Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HABANG hindi pa pumapasok ulit sa isang relasyon, ang hit teleserye na Incognito, na isa si Daniel Padilla sa mga bida ang isa sa nagpapasaya sa kanya ngayon.
Sabi ni Daniel sa interview ng Esquire magazine,“Enjoy ako dahil I love what I’m doing now. Breath of fresh air talaga itong ginagawa kong ‘Incognito’. Before doing this, I was parang… nawalan na rin akong gana, eh. Lahat naman tayo sa trabaho natin, ‘di ba? We… burn out. Because of, you know, ulit-ulit. ‘Yan lang lagi ginagawa mo,” sey ni Daniel.
Dito sa ‘Incognito’, na una niyang action serye, ginagampanan niya ang character ni Andres Malvar na isang dating scout ranger na dalubhasa sa CQC (Close Quarters Combat) at anti-guerilla warfare na tinanggal sa military service dahil sa kasong homicide.
Dagdag pa ni Daniel,“Suwerte rin ako na nabigay sa akin itong proyekto na ‘Incognito’. Breath of fresh air. Sarap nung ginagawa ko ulit. Kaya after this, parang ang dami kong ideas sa mga next ko namang gagawin.”
Nakakatulong din daw sa kanya na umiwas sa ingay ng social media at ang mamundok sa Tanay, Rizal.
“Namumundok kami doon. Iba sa realidad natin,” sey niya.
Enjoy na enjoy nga niya ang katahimikan ng nature kaya plano niyang magkaroon ng quiet at incognito life.
“Bumalik sa nature kung saan simple ang mga bagay. Katahimikan, oras sa pamilya, para magdasal, oras para maglaro.
“Gusto ko lang mag-farm, may mga hayop na inaalagaan, may open space, maraming halaman, sariwang hangin,” aniya pa.
Enjoy rin daw siya sa pagiging ‘cool tito’ kay baby Claudio, na anak ng kanyang younger brother na si JC Padilla.
“’Yung bahay namin nag-iba kasi may baby na.
“Ngayon ko lang nakita ‘yung effect ng baby, lalo na sa mom ko. Jusko po, hindi na umaalis, hirap na hirap umalis, ayaw iwanan si Claudio!”
Dahil sa na-enjoy niya ang pagkakaroon ng baby ay dito na niya inamin na gusto na niyang magkaroon ng sarili niyang pamily
“Wala na akong ibang pupuntahan pa. Gusto ko na rin buksan ‘yung chapter na ‘yon dahil minsan hinahanap na rin ang laman ko.
“Eventually, I am looking forward to having a family, ano pa ba ang gagawin ko, andun na ako sa boundary?
“So pukpok muna sa trabaho, then eventually start a family.
“Wala na akong ibang pupuntahan. Most of my friends have families, nakikita ko na din magkakalaro ang mga anak nila.”
***
BUBOY VILLAR TANGGAP ANG PAGKAKAROON NG ANAK SA IBA NG EX-KINAKASAMA
SA kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Buboy Villar na nagkaroon na rin ng anak sa ibang lalaki ang dating karelasyon na si Angillyn matapos ang kanilang hiwalayan.
Sa kabila raw ng pagkakaroon ng anak sa iba ni Angillyn ay wala siyang ibang sinabi, at hindi siya nagalit sa nangyari.
“Tito Boy, gusto ko lang po, para sa akin, nakakalungkot mang sabihin, gusto ko rin sana, parang nirerespeto niya rin sana kung ano ako. Kasi siya, Tito Boy, I promise, I swear to God, nirerespeto ko po siya,” pagbabahagi ni Buboy
Pagkatapos nito ay binahagi niya na may naging karelasyon na rin si Angillyn matapos nilang maghiwalay at nagkaroon siya ng anak rito.
“Simula nga noong nagka-anak rin siya sa bago niya, hindi naman po ako nagsalita, Tito Boy.
“Bago po ako nagka-anak, nagka-anak na rin po siya Tito Boy, doon po sa Amerika. Hindi po ako nagalit,” sabi pa ni Buboy.
Siya pa nga raw mismo ang nagtanong sa dating karelasyon tungkol sa bago nitong anak matapos niyang makita ang picture sa story na ibinahagi nito.
Sa kabila ng nalaman ay walang naramdamang galit si Buboy kay Angillyn at sinabing gusto niya lang masagot nang maayos ang mga anak sakaling magtanong ito tungkol sa ina.
“Hindi ako para pakialaman ko po ‘yung buhay niya. Mine-make sure ko lang po, kasi para alam ko rin po ‘pag nagtanong sa akin ‘yung anak ko. Alam ko rin po kung ano ang sasabihin. Hindi po yung parang, ‘Ah talaga? Bago sa akin ‘yun. I didn’t know that,’” paliwanag ni Buboy.
Bukod sa kanyang rebelasyon ay isa-isa rin niyang sinagot ang mga paratang sa kanya ni Angillyn gaya ng hindi niya pagsustento sa kanilang mga anak at pati ang umano’y pananakit niya rito, na aniya ay walang katotohanan.