Advertisers

Advertisers

Drug den, binuwag sa Angeles City

0 15

Advertisers

Nabuwag ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA-3) at ng Angeles PNP ang Drug Den sa pamamagitan ng high-impact-operation via buy bust operation laban sa tatlong drug adik at drug den operator, sa bahagi ng Henzon St. Brgy. Sta. Teresita sa nabangit na lungsod.

Sa inisyal na report na tinanggap ni PRO3 Regional Director BGen. Jean S. Fajardo kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Tolits 50,alyas Lucho 48, alyas Thirdy 28 at drug den operator na si alyas Ren 26 anyos kapwa residente sa nabangit na lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad ganap na 3:09 ng hapon nito lamang abril 4 2025 ng masukol ang mga suspek sa tulong ng concern Citizen.



Nakuha sa drug den ang walong plastic transparent sachets ng shabu, 10 gramo na nagkakaha-laga ng P68,000.00, assorted paraphernalias at marked money.

Samantala pansamatalang ikinulong ang mga suspek sa PDEA RO3 Jail Facility, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (T. Arcenal)