Advertisers

Advertisers

Kim inamin, pampakalma si Paulo

0 13

Advertisers

Ni Archie Liao

MASAYA ang KimPau dahil bukod sa teleserye at pelikula ay patuloy ang partnership nila sa endorsement.

Kamakailan kasi ay um-attend ang dalawa para sa promo ng kanilang endorsement para sa isang kilalang fast food chain.



Ani Paulo, halos hindi na raw kasi sila mapaghiwalay ni Kim dahil ito ang nire-request ng brands at advertisers.

Ang nasabing food brand kung saan sila itinalagang ambassadors ang ikalawa nilang pagsasama sa isang endorsement.

Dahil summer na, may mga pakuwelang pampalamig din na binebenta ang nasabing food chain kaya naman natanong sina Kim Chiu at Paulo Avelino kung paano nila pinapalamig o pinapakalma ang isa’t isa kapag nahaharap sila sa di kaaya-ayang situwasyon.

Ayon kay Kim, sobrang cool at kalmadong tao raw ng kanyang love team partner sa pelikulang “My Love Will Make You Disappear” kaya nai-inspire siya sa pagiging chill lang nito.

Hirit naman ni Paulo, very bubbly person daw si Kim at masayang kasama.



The mere fact na nakikita raw niya ang happiness nito ay nahahawa na siya na siya ring rason para sa kanyang mga ngiti.

Aminado rin ang dalawa na pareho silang foodie o mahilig sa tsibugan.

Para kay Kim, gusto raw niyang tikman ang mga putaheng masasarap na hindi pa niya nasusubukan.

Itinuturing daw kasi niyang parang happy pills ang mga pagkaing hindi lang bumubuhay sa kanyang panlasa kundi pati na sa kanyang katawang-lupa.

Pagtatapat naman ni Paulo, pihikan daw kasi siya pagdating sa mga pagkain.

Medyo health conscious din daw siya pero dumarating din ang araw na may mga cheat day siya kaya nagagawa niyang i-satisfy ang kanyang cravings para sa masasarap na pagkain.

Hindi naman ikinaila ni Paulo na mahilig din siya sa halo-halo.

Paborito raw niyang ingredients nito ang ube at leche plan.

Katunayan, maihahalintulad daw niya ang sweetness ng partner sa dalawang nabanggit na sangkap ng delicious dessert.

Pagdating naman kay Kim, maikukumpara raw niya si Paulo sa nata de coco na pambihira pero importanteng sangkap ng halo-halo.