Advertisers

Advertisers

EPD DIRECTOR, SIBAK SA EXTORTION AT 8 TAUHAN NG DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT – GEN. MARBIL!

0 60

Advertisers

Isang araw matapos ma-promote sa One Star General si EPD-director Col. Villamor Tuliao ay SINIBAK ito kahapon kabilang ang buong personnel ng District Special Operation Unit.

Ito’y matapos masangkot sa kasong “Extortion” sa 2 hinuling Chinese national sa Las Piñas City.

Agad iniutos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ang agarang pagsibak kay Tuliao mga tauhan ng DSOU, dahil sa umano’y sangkot sa extortion at grave misconduct.



Kapwa mga nasa restrictive custody ang mga inakusahan at sinampahan ito ng kasong kriminal ng PNP.

Ayon sa PNP Chief, hindi lamang umano ito sa pasaway na opisyal—kundi isang kabiguan ng pamunuan.

Anya, kapag bumagsak ang disiplina, dapat panagutin ang mataas na pamantayan ng accountability.

Tiniyak ni Gen. Marbil, walang second chances sa mga nasasangkot .

Binigyang-diin pa nito na walang humpay na pagsisikap ng PNP na linisin ang hanay nito at itaguyod ang propesyonalismo.