Advertisers
Tiniyak ni Senator Bong Revilla pangunahing prayoridad nito ang pagpa-baba sa edad ng senior citizen.
Ito’y matapos mag-ikot kasama ang mga kinatawan ng ‘Agimat Partylist’ sa ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.
Dagdag ng Senador, maraming natuwa ng ianunsyo n’ya sa campaign rally ng ‘Alyansa ng Bagong Pilipinas’.
Na ginanap sa lungsod ng Antipolo at gagawin umano n’yang 56-anyos ang edad ng isang tao para ituring na Senior Citizens.
Kabilang din sa isusulong ni Revilla ang pagpataas sa sweldo ng manggagawa, kayat ipagpapatuloy niya ang pagsusulong sa senado ng P150 across the board wage increase.
Pumasa na umano ito sa P200 sa house at sa Senate ay P100 matapos mag- bicam at pag-nagsalubong umano sa halfway ay malamang sa P150.
Sa ginawang pag-iikot ni Revilla sa lungsod ng Antipolo, Cainta Taytay at Angono.
Nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Rizalenyo na kahit umulan at umaraw ay hindi umaalis sa kalye.
Sa usapin umano ng kampanya, nasa 80 porsyento na ang kanilang inabot dahil hindi naman umano s’ya humunto mula noong 2019.
Nang s’ya ay maihalal na Senador ay tuloy -tuloy ang kanyang pag-iikot upang tingnan ang kalagayan ng kanyang mga kababayan.
Sa ngayon umano ayon kay Revilla, ay ipina-aalam na lamang nila sa publiko ang mga nagawa nito at gagawin pa.