Advertisers
NAGHAIN ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang ilang miyembro ng PDP-Laban upang ipahinto ang paggamit ng online voting abroad ngayong midterm elections.
Ilang araw iyan bago ang simula ng pagboto ng Overseas Filipino Workers ngayong April 13.
Batay sa Petition for Prohibition and Mandamus with Injunctive Reliefs, hiniling nilang huwag ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang online voting.
Ayon sa petitioners, wala pang batas para sa implementasyon ng online voting at maging ng automated vote counting.
Ipinunto rin ng mga petitioner ang umano’y pangamba ng Overseas Filipino Workers sa sistema ng pagboto online.
Respondent sa petisyon sina Comelec Chairman George Erwin Garcia at DFA Secretary Enrique Manalo.
Habang ang petitioners naman ay sina PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi, Atty. Raul Lambino, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Vic Rodriguez, at Atty. Glenn Chong sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Israelito Torreon.