Advertisers

Advertisers

‘Bawas-sueldo scheme’ sa MMDA buking

0 12

Advertisers

ILANG empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nadiskubreng sangkot sa ‘bawas-sweldo scheme’ sa Payroll Division ng ahensiya.

Mismong si MMDA Chairman, Atty. Don Artes, ang nagsampa ng reklamo laban sa naturang mga empleyado, na ngayon nasa ilalim ng preventive suspension.

Pinangunahan ni MMDA General Manager Procopio Lipana ang pag-aresto sa mga empleyadong sangkot, at nagsagawa ng inquest proceedings laban sa mga ito.



Minamanipula umano ang computerized payroll system ng mga naturang empleyado sa pamamagitan ng pagbawas ng maliit na halaga mula sa mga suweldo ng mga target na empleyado at inililipat sa kanilang sariling mga account.

Nakikitaan din ng mas malalim na sabwatan ng ibang empleyado kaya’t nagsasagawa na ng mass case build-up para sa non-bailable charges laban sa kanila, habang inilagay sila sa preventive suspension at ang kanilang mga computer ay kinumpiska para sa imbestigasyon.

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang internal audit at patuloy na pagsisiyasat, at ipinatupad narin ang mga hakbang upang maiwasan na maulit ang hindi magandang pangyayaring tulad nito.