Advertisers

Advertisers

Top most wanted murder sa Caloocan, arestado

0 17

Advertisers

Nalambat sa manhunt operation na ikinasa ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station, sa ilalim ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang lalaking tinaguriang most wanted person sa kasong pagpatay o murder.

Sa ulat kay NPD Director PBGen. Josefino Ligan ni Caloocan police chief PCol. Edcille Canals, 12:10 ng madaling- araw , nang isilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station, katuwang ang Sub-Station 8 sa lalaking wanted.

Sa pamumuno ni PCol.Edcille V. Canals, isinagawa ang joint manhunt operation sa kahabaan ng Ipil Street, Barangay 172, na nagresulta sa pagkaaresto sa isang 58-year-old na lalaki , residente ng Bulacan,.



Kinilalang most wanted suspect para sa kasong pagpatay ang lalaki na sinilbihan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Primo Elvin Lobina Siosana, Presiding Judge of RTC Branch 128, Caloocan City, noong August 3, 2023.

Wala namang pyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan nito.

Nasa kustodiya ng Investigation and Detective Management Section-Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) ang akusado habang hinihintay ang commitment order mula sa hukuman para sa pagpiit sa kanya sa city jail.(Beth Samson)