Advertisers

Advertisers

ROTATIONAL BROWNOUTS NGAYONG TAG-INIT MALABO

0 5

Advertisers

TINIYAK ng pamahalaan na bagaman posibleng magkaroon ng yellow at red alert sa suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init ay hindi ito nangangahulugan ng agarang pagkawala ng kuryente o brownout.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan na ang yellow alert ay indikasyon lamang ng pagnipis ng reserbang kuryente ngunit hindi ito nangangahulugan ng power interruption.

Ang red alert naman, ayon kay Marasigan, ay nangangahulugan ng mas kritikal na suplay ng kuryente, kaya’t kinakailangang patakbuhin ang iba pang planta o ipatupad ang mga mitigating measures.



Kaya naman, ipinunto ng opisyal na isa sa mga hakbang na inihahanda ng DOE ay ang Interruptible Load Program (ILP) kung saan ang malalaking establisyemento na may sariling generator ay maaaring gumamit ng kanilang sariling power supply upang maibigay ang suplay ng kuryente sa ibang lugar na nangangailangan nito.

Ayon kay Marasigan, pamamagitan nito ay maiiwasan ang posibleng rotational brownouts sakaling magkaroon ng red alert. (Gilbert Perdez)