Advertisers

Advertisers

Sa ika-2 pagdinig ng Senado sa ‘pagkidnap’ kay Duterte ‘PLEASE BRING HIM HOME’ – BONG GO

0 6

Advertisers

MULING umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kasama sa Senado na tulungan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y nakapiit sa The Hague, Netherlands na maibalik sa bansa dahil marami aniyang Filipino na nasasaktan at nangungulila sa dating lider.

“Madam chair, sa mga kasamahan ko, kahit araw-araw pa tayong mag-hearing dito, I’m willing to participate. Pakiusap ko lang po sa inyo, sana matulungan, please bring him home,” ang pahayag ni Go sa ikalawang pagdinig ng Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Senator at Presidential sister Imee Marcos.

Ayon Go, ang importante ngayon ay makauwi si “Tatay Digong” sa sarili niyang bansa sa pagsasabing nakahanda naman nitong harapin kung ano man ang mga inaakusa sa kanya.



Dapat din aniyang isaalang-alang ang edad ni Duterte na isa nang frail, fragile at harmless.

“For humanitarian consideration, kahit sinong lola at lolo natin, ginagalang at inaalagaan natin. Yun naman po ang ating kultura dito sa ating bansa. Ngayon, sa ibang bansa, mag-isa siya, napaka-istrikto pa doon, sinong mag-aalaga kay Tatay Digong doon? Paano nalang kung may mangyari sa kanya doon?” ang pag-aalala ng senador.

Kasabay nito’y nadismaya si Go sa pagkabigo ng mga inimbitahang resource persons na dumalo sa pagdinig matapos pigilan ng Malakanyang sa pamamagitan ng palusot na “executive privilege at sub judice rule”.

“Napakalungkot naman po, malungkot ‘yung mga Pilipino, malungkot rin yung hearing natin,” ani Go.

Sinabi ni Go na sa nakaraang pagdinig ay maraming naisiwalat na maaaring pagkakamali o paglabag sa batas, due process, at karapatang-pantao sa isinagawang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.



“The preliminary report of the Chairperson underscored a crucial point: the Philippine government was under no legal obligation to arrest the former President and surrender him to an international court. It was revealed that what was received was merely a Diffusion Notice which was unverified and unapproved by the International Criminal Police Organization (Interpol) Secretariat,” anang senador.

Paulit-ulit ding binanggit ng gobyerno na ang International Criminal Court ay walang hurisdiksyon sa bansa.

“Parating paulit-ulit yan, at hanggang ngayon, yan naman po ang pinag-uusapan, na wala pong jurisdiction. Kung walang jurisdiction ang ICC, bakit pinayagang pumasok ang Interpol? Kung hindi kinikilala ng gobyerno ang ICC, bakit nila binigyan ng pansin ang arrest warrant mula sa ICC?” idiniin ni Go.

“It was very fast, napakabilis po ng pangyayari. I’m sure, kindly check niyo rin po sana, baka maraming may mga Red Notice diyan na hindi naman minadali, hindi naman hinanap. Pero ito, ang bilis po. Mas inuna ninyo pang isinuko si dating Pangulong Duterte kaysa sa matagal na sigurong nandiyan sa listahan.”

Kinastigo ni Go ang kawalan ng respeto sa Senado ng mga opisyal ng gobyerno na inimbitahan pero hindi sumipot sa pagdinig dahil lamang sa mga walang kuwentang palusot.

“Nirerespeto naman natin na nag-i-invoke ang ilan ng executive privilege, may mga excuses, pero bakit ganun, hindi pantay? Kung ang ordinaryong mga vlogger, pulis, o local officials, eh pinapatawag, kung ayaw pumunta, nako-contempt, parang hindi naman po ata patas,” sabi Go.

“For the sake of our country, sana hindi na po maulit ang nangyari, dahil ang pangyayaring ito ay hindi lamang tungkol sa isang tao—ito ay tungkol sa respeto sa ating mga batas, sa ating soberanya, at sa dignidad ng bawat Pilipino,” pahabol pa ng senador.