Advertisers

Advertisers

Jodi ‘di dine-deny na ‘woman in love’

0 7

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“WOMAN in love” ang description ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa co-star niyang si Jodi Sta. Maria.

“She’s in love with her work, with our movie,” paglilinaw ng beauty queen/actress.



Ayon naman kay Jodi…

“Alam mo, I’m the type of person na kung titingnan mo, yung social media ko, makikita mo dun, lover of life.

“I am in love with life in general.

“And if you’re going to ask me about that, I would say na yun nga, tulad ng sabi ko, nasa social media ko iyan, I’m a lover of life.

“So I am in love na.”



May lovelife nga ba siya?

“I was asked that question before, and I’ve also answered that question before din na ako naman yung type of person who never loses faith in love. Yun lang po.

“Napakaimportante ng love in all aspect. Hindi lang ito limited sa romantic relationships, but also friendships, also love for work, love for career. In the general aspect also.”

Tinalakay sa “Untold”, na ipapalabas sa mga sinehan sa April 30 (produced by Regal Entertainment at sa direksyon ni Derick Cabrido) ang tungkol sa fake news.

Lahad ni Jodi, “Ang akin lang, kung ano yung mensahe, kung papano mag-i-speak yung movie sa mga tao, sana bigyan nila ng halaga yun.

“Kung paano mapi-pique ng movie na ito yung kanilang interes, or maybe their conscience, sana pakinggan nila yun.”

Matindi ang epekto ng fake news sa buhay ng bawat isa.

“May mga bagay kasi na hindi natin kontrolado. For example, yung mga fake news peddlers, hindi natin sila kontrolado,” sinabi ni Jodi.

“Bakit nila ginagawa yun? Ano yung motivation nila? “Ano yung rason nila for doing so? Because may pinaglalaban ba talaga sila?

“Ito ba talaga ay dulot ng kung ano man ang pinaniniwalaan nila or is it because of survival? Because they’re getting something out of it?

“Kung alam nating hindi na natin sila mako-control, then nasa sa atin na yun, e, na mag-fact check. “Let’s do our due diligence.

“Titingnan natin kung gaano katotoo o hindi yung mga bagay na nababasa natin. Kasi ngayon, may mga bagay na sabihin mo na, it might sound true, but it’s not actually true.

“Or sometimes, they make the truth with a lie, so magmumukha pa rin siyang parang totoo.

“So yun nga, e, parang magandang ipanawagan sa mga tao din na mag-fact check kayo sa lahat na nababasa ninyo. Wala namang problema dun.

“Because maganda rin na makakadagdag din sa kaalaman ninyo.

“And I think, siyempre it’s also the role of the government to create laws na mapoprotekta sa mga tao na nabibiktima ng fake news at siyempre ma-reprimand yung mga tao na gumawa nito.”

Nasa pelikula rin sina Ms. Gloria Diaz, Joem Bascon, Lianne Valentin, Sarah Edwards at Juan Karlos, na ang

supervising producer ay si Manny Valera with executive producers Roselle Monteverde & Keith Monteverde.