Advertisers

Advertisers

MAYOR VICO SOTO, POSIBLENG TALUNIN NI SARAH DISCAYA SA ELEKSYON!

0 63

Advertisers

Ni Edwin Moreno

Ito’y matapos ungusan sa survey ng Mayoralty Candidate na si Sarah Discaya sa record na 47% at si Mayor Vico Soto ay pumalo nalang sa 46% sa survey.

Ayon sa insider ng “Kalawit”, nangungunsumi ngayon si Soto sa takot na masungkit ni Discaya ang mayoralty bet sa eleksyon sa Mayo a-12.



Walang duda na sa buwan ng Hunyo ay bago na ang city mayor ng Pasig.

Ang malaking tanong ng mga Pasigeño, makaupo daw po kaya na newly elected mayor kung sakaling manalo si Discaya?

Sa insider ng “kalawit”, wala din dudang ma-disqualify si Discaya dahil sa laki daw po ng kanyang ginagastos sa kampanya.

Ang tanong pa ng mga Pasigeño bakit?

Na diskobre ng kalawit insider na sangkatirba ang vlogger na akay-akay araw-araw, take note, araw-araw ni Discaya sa pangangampanya sa lungsod para himukin ang mga botante, hindi pa kasama dito ang mga lihitimong kabaro.



At bukod d’yan, binanadyetan daw po ito ni Discaya ng 3k hanggang 5k bawat isa, bukod pa umano dito ang payolang kensenas katapusan o 15-30 na tinatawag.

Totoo po ba ito Mayoralty Candidate Discaya Mam?

Sa insider ng kalawit sa grupo ni Discaya, kung hindi s’ya nagkakamali t’yak na milyon-milyon na ang ginagastos ng kanyang amo.

Na tiyakang labag sa mandato o pinatutupad na kautusan ng tanggapan ni Comelec Chairman George Garcia.

Panawagan ng ‘kalawit’ kay Chairman Garcia, dapat ngayon pa lang imbestigahan na at i-disqualifiy ang mga kandidato na lumalabag sa panuntonan ng Commission on Election.

Abangan! May kasunod…